Dear Diary,
Namiss kong magkwento sayo friend. Madami akong chika sayo kaso nga lang nakalimutan ko na yung iba, sa tagal ba namang hindi kita nahahawakan. Nawala na tuloy sa isip ko yung mga kwento ko sayo. Haha! Pero wag ka magtampo ha? Busy kasi ako sa pag-aaral, ang hirap ng mga subjects ko ngayon. Nung summer vacation sana ikwekwento ko sayo kaso busy rin ako sa bahay. Mian! :(
Pero ito, share ko lang sayo. Hihi! :) Kapag ako nagka-crush, pang Long Term. Tulad ngayon, third year na ako at si Yakonja pa rin ang crush ko. Walang ng iba. Stick to one ako kung magka-crush, pano pa kaya pag boyfriend ko na? Edi ang swerte niya. Haha! FYI, NBSB ako friend. Kaya swerte talaga ni Yakonja sakin. Ako kaya? Swerte sakanya? :(
Ewan ko ba? Kahit na sobrang nasasaktan na ako kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. Pagkalipas nung araw na yun, crush ko ulit siya. Martyr na ba ako? Nagmamahal lang po. Hahaha.
K! Gudnyt! :)
Nagmamahal,
Nelle