Dear Friend,
Waaaah! Gusto kong tumalon talon sa sobrang kilig. Grabeee! Kyaaaah!!! Nabibingi ka na ba sa kadaldalan ko friend? Wag naman sana. Kasi kung nagkataon wala na akong mapagsasabihan ng mga problema o kaya kilig moments ko. Kaya peace tayo ha? Hehe. ^____^
Kanina kasi nakita ko si Yakonja at yung future Mommy ko. Waaah! Oo kasama niya si Mommy. Makikitawag na ako ng Mommy, para pag hubby ko na si Yakonja sanay na ako, di ba? Haha!
So yun nga, kasama niya dun kay kuya Mario, yung printing-xerox shop si Mommy. Busy siyang nag-aayos ng papers. Ewan kung para san yun. Basta ang alam ko nakita din niya ako. Namukhaan niya ba ako? Kasi napangiti siya kanina eh. Walang halong biro, totoo. Ngumiti talaga siya sa akin. Kaya nga sobrang kilig ko e. Muntik ko ng makalimutan na pumunta pala ako dun para magpaprint nung report ko sa World Lit. Haha!
Bago ako umalis sumulyap ako kay Mommy, maganda siya kaya hindi nakakapagtaka na magandang lahi nagmula si Yakonja. Hehe.
Bumaling din ang tingin ko kay Yakonja na kasalukuyang busy sa pag-aarrange ng mga papers. Napansin kong naka-shorts lang pala siya at mabalahibo yung binti niya. Hahaha! Pag ganun daw kasi, mapagmahal. Edi mapagmahal ang Yakonja ko? Kaya pala madami siyang chiks ngayon. Alam na! Haha.
Pero subukan niya lang mambabae kapag mag-asawa na kami. Makakalbo ko siya. Harsh na kung harsh, wala kayong pakialam. Hahaha. xD!
Yours truly,
Nelle