Diary 34

16 1 0
                                    

Dear Friend,

Huhuhu! Gusto kong umiyak at maglumpasay! Bakit ganon? Ang sakit sakit friend. Masabihan na ako ng iba na OA, wala akong pakialam. Bakit hindi niyo ba nararanasan ang pinagdadaanan ko? Na kapag may nalaman ka about sa ultimate crush mo hindi ka masasaktan? Ugh! I don't think so.

Akala ko si Kate lang ang na-link sakanyang friend ko, yun pala pati si Janine. Aish! Nakwento ko kasi kay Janine kanina na crush ko si MAU. Kaya ayun nagshare din siya about him. Hindi ko alam kung totoong ngiti ba yung pinapakita ko kanina kasi I feel like I'm betrayed by someone.

Sinabi niya kasi na naging close sila ni Yakonja nung Y.E na ginanap sa university namin tapos sakto pa nun na birthday ni Ja, debut pa niya. Sinayaw daw siya nung mga kasama niya ring nagwa-Y.E at sinayaw din siya ni Yakonja kasi isa siya sa mga facilitator that time.

After daw nung Y.E. na yun, naging close sila. As in close talaga. Nagkakatext daw sila lagi. And that makes my heart broke into pieces. Ako nga, minsan ko lang siya nakatext eh. At hindi na nasundan iyon. Hay!

So yun nga, nagkakatext sila palagi. Tapos ang mas lalong ikinasakit ng puso ko ay yung tinetext daw siya ni Yakonja kapag gabi ng 'Goodnight Janine, I love you.' Tapos kapag umaga naman, 'Goodmorning Janine, take care.'

GOSH!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko friend. Pero noon daw yun, kasi hindi na ngayon. Pero kahit na.... masakit pa rin yun sakin. Nagsisisi ako kung bakit ko pa siya hinayaang magkwento about kay Yakonja.

Another heartbreak .... at ang masaklap ... galing na naman kay yakonja. I'm badly hurt. </3

Yours truly,

Nelle

My Open DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon