NOTE: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Kakauwi ko lang ng bahay, galing kase ako sa bahay ng tropa ko. Tanaw ko ang isang truck sa harapan ng bahay namin at ang mga malalaking kahon. Alam ko naman kung ano ang nangyayari, lilipat nanaman kami ng bahay dahil kay papa.
Napasinghap nalang ako at pumasok sa tinutuluyan namin, busy si mama sa katuturo sa mga dadalhin kaya hindi na nya ako napansin.
Umakyat ako sa kwarto ko at naka kahon nadin ang lahat, chineck ko nalang ulit baka may maiwan pa ako.
"Yan naba lahat?? Thank you so much ha, mauna na kayo at susunod kami" sigaw ni mama at naka pamewang pa,"Oh Gab saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap?"
"Saan tayo ma?" prente kong tanong sabay sukbit ng bag ko,
"You'll see, tara na" ,inistart na nya ang kotse saka na kami umalis. Sigurado akong bagong bahay bagong school nanaman, nasanay na nga ako sa ganto. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.
"Gab nandito na tayo anak" ,tapik sakin ni mama inaantok akong tumingin sa kanya. Lumabas ako ng kotse ang iginala ang tingin, mukhang subdivision yata to eh.
"Surprise! Gab we're staying here, at hindi na tayo lilipat" ,bungad ni papa na naka tayo sa harapan ng gate. Malaki ang bahay at may dalawang palapag.
"Sure na yan pa? Baka pag tapos ng ilang linggo lilipat nanaman tayo ah" ,biro ko
"Hindi na promise" ,sabay taas ng kanan nyang kamay at ngumiti nya sakin.
"Hon mainit dito tara na sa loob" ,aya ni mama kaya pumasok na kami.
Kumpleto na lahat ng gamit mula sa sala, kusina, cr, hangang sa kwarto ko.
Nag ayos lang ako ng gamit ko sa hapong yon at lumipas ang dalawang araw ibinalita sakin ni papa na naka lipat nako ng school ang Lorenzo High School
Malapit lang yon dito sabi ni papa kaya pwede kong lakarin, inihanda kona yung uniform ko; isang white long sleeve, checkered na brown na palda hangang tuhod, bow tie brown den, dark green vest, at tipikal na black shoes.
By the way I'm Gabriella Delgado, Gab nalang for short. Medyo boyish manamit at madalas mapagkamalang tomboy, maganda daw ako sabi nila. Well madami dami ding mga lalake ang sinubukan manligaw sakin. I'm also grade 10 student, 16 yrs o. Ain't that straight at inaamin ko na medyo womanizer ako hehe. Sino ba namang hinde eh palipat lipat ako ng school, madaming magagandang babae eh. Siguro kung susumahin kung ilang ang ex ko mga nasa sampu na HAHA. Puro laro lang naman halos ng nakakarelasyon ko, wala pakong sineseryoso dahil takot ako masaktan. Mabuti nalang talaga tanggap ako ng parents ko, open sila sa topic na lgbt support pa nga nila ako eh. Pero hindi sa pagiging womanizer ko, ayaw nila yon lalo na si mama wag ko daw kasi sasaktan ang feelings ng mga babae.
"GABRIELLA! GISING NA ANAK BAKA MALATE KA NYAN EH" ,sigaw ni mama at kinakatok pa ang pinto ko. Naligo nako at nag ayos hinayaan ko lang ang buhok kong hangang balikat na naka lugay, sinuot kona ang uniform ko at saka na ako bumaba.
"Honey tignan mo, bagay na bagay oh dalagang dalaga ang anak mo" ,masayang sabi ni mama sabay turo sa uniform ko.
"Oo, dalaga din ang hanap HAHA" ,biro ni papa sakin at tinawan ko lang sya.
Pagkatapos ay umalis nako at sinukbit ang backpack ko, habang nag lalakad sa daan napag pasyahan ko na itaas ang sleeves ng uniform ko hangang siko.
Pagdating ko sa harapan ng school madaming mga istudyanteng pumapasok inantay ko ang eksaktong oras ng pag pasok ayoko din kasi ng atensyon mula sa mga ibang istudyante. Tumambay muna ako sa labas habang ngumunguya ng chewing gum. Chineck ko muna ang mukha ko gamit ang phone ko bago pumasok
Naglakad ako papasok at kapansin pansin na may mga istudyante ang naka hilera sa may bandang kaliwa may hawak pa silang clipboard at ballpen.
"Miss?" ,tawag sakin nung naka salamin na babae, kasama sya sa mga naka hilerang mga istudyante. Na may naka lagay na sash sa kaliwang braso nila SSG
Nag lakad ako papalapit sa kanya, at tinignan ang name pin ko sa damit.
"Hindi po kayo sumunod sa mga rules Miss Delgado" ,sita nya sakin. Napatingin ako sa kabuuan ko at pansin ko namang walang mali sa suot ko.
"Tama naman ang suot ko ah" ,turo ko pa sa uniform namin parehas.
"Eating chewing gum, roll up sleeves, extra piercings, even bringing your phone, all of that is a violation" , paliwanag nya sakin.
"Huh!? Anong point ng pagiging high school kung kung ipagbabawal nyo yan!? Hindi ba pwedeng happy happy lang?" ,singhal ko at ramdam ko naman na napatigil ang iba pang mga SSG sa kanilang ginagawa.
"Umm nasa school book kasi yan Article 24 page 14-"
"Wala namang connect yung ganto sa pag aaral ah" ,putol ko sa kanya at halos itakip na nya yung hawak nyang clipboard sa mukha.
"It has"
"President" ,sambit ng naka salamin na babae kaya lumingon ako.
"School rules are for our social education, teaching us to obey designated rules. Everyone is held to the same standards here, kung gusto mong pumasok sa eskwelahan na to, you must obey it's rules" , paliwanag ng babaeng tinawag nilang 'president' na papalapit sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang kakaibang presensya nya, the way she look at me kakaiba talaga ang lakas ng dating.
"It's funny, bago lang ako and I haven't know the rules yet. Eh kung palampasin mo nalang, what do you think of that Miss Present?" ,humakbang ako papalapit sa kanya come on let's negotiate...Huminga lang sya ng malalim saka umirap sakin.
"Well looks like silent means ye- eh"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin at hinawakan ang bewang ko at saka ibinaba ang dalawa nyang kamay pababa hangang sa pwetan ko. At para nya akong kinakapkapan, damn it.
Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko dahil magkahalong kaba at gulat, sino ba namang hindi bigla bigla nalang mangyayakap tapos nanghahawak pa. Ano to chansing.
Binitawan nya ako saka umalis, nanlalambot ang tuhod ko sa ginawa nya. Pansin kong pati ang mga SSG sa kaliwa ko ay nagulat.
"Please follow all rules starting tomorrow." ,sabi nya at napatingin ako sa kanan nyang kamay hawak ang phone ko at winagayway sa ere.
what the hell was that,
what's wrong with that girl,
sino sya para gawin yon sakin?♣
YOU ARE READING
Unexpected (GxG)
RomanceHaving a girlfriend is easy for me, but having a girlfriend from a classy and respected family is different,,, Hi I'm Gabriella Delgado, or just Gab. I'm 16 yrs old and a grade 10 student, from Lorenzo High School. I'm a bisexual and I'm proud, also...