"alam mo Seren gutom lang yan tara na" ,hinawakan ko ang kamay nya saka na kami pumasok sa restaurant. Naghanap kami ng pwesto saka na umorder, hinayaan ko muna syang pumili at tinititigan lang sya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa saka ko sya kinuhanan ng picture HAHA.
"2 bowls ng donburi, isang tonkatsu, 4 pieces ng onigiri, 2 servings ng takoyaki, 2 servings din ng dango, saka 2 ice tea" , sunod sunod nyang sabi ang dami nyang inorder.
"Mauubos ba natin yon?" ,tanong ko, hindi ako ganun kalakas kumain. Ngumiti lang sya sakin saka nalang ako nag phone habang nag aantay, bigla nyang hinawakan ang kamay kong naka patong sa taas ng mesa. Lagi nalang ako nagugulat sa mga aksyon nya, pasimple kong kinuhanan ng picture yung kamay namin pareho.
Dumating na yung pag kain na inorder nya tanging sa takoyaki lang ako familiar, nilapag nya sa harapan ko yung isa rice bowl may grilled chicken at egg sa baba ay kanin.
"I never tried this, sa takoyaki lang ako familiar" ,pag aamin ko saka sya tumingin sakin.
"You should, come on kain na. Tikman mo to" ,napangiti naman ako dahil sa ginagawa nya. Busy sya sa pag lagay ng pagkain sa bowl ko,
Mukhang may bago nakong favorite food, nagustuhan ko yung mga inorder nya lalo na yung dango, iba iba ang color nya at nasa stick.
Pagtapos namin kumain ay nag lakad lakad kami sa mall tamang ikot lang nag titingin ng kung ano ano habang naka kapit sya sa braso ko.
"Tara don?" ,hinila nya ang braso ko at dinala ako sa arcade. Hilig nya din ba maglaro?
"Marunong ka ba?" ,tanong ko dinala nya kasi ako sa arcade hoops.
"Baka gusto mong talunin kita" ,mayabang nyang sabi at naka pamewang pa.
Nilabanan ko sya at magaling sya sa pag shoot, at shempre hindi tayo papatalo HAHA walang pwedeng tumalo sakin kahit SSG president kapa.
At the end ako ang olats HAHA, mukhang tambay yata to sa arcade nung bata eh.
"Galing ah, tambay kaba sa arcade dati huh" ,asar ko sa kanya.
"Medyo, si kuya kasi ang laging nagdadala sakin dito" , kwento nya.
Ilang game pa ang nilaro namin, puro talo ako sa kanya sineseryoso nya bawat laro kaya kada talo ko tinatawanan nya ko HAHA.
"Ice cream tayo" ,aya nya sakin at hila nanaman ako.
Sya nanaman ang umorder naupo muna ako sa malapit na bench, pagdating nya ay inabot nya sakin yung cookies and cream na ice cream.
"Wag mo muna kainin wait" ,pigil nya sakin nilabas nya ang phone nya saka kinuhanan ng picture yung ice cream namin.
Pagtapos non ay umuwi na sya, sumama ako sa bahay nila dahil ipapahatid nya nalang daw ako samin.
Pagbaba ng kotse napatingala ako sa malaking bahay, mukha ngang hindi bahay. May 3 palapag ang bahay at mukhang may rooftop dahil may railings sa taas, woah.
"Sure ka na bahay nyo to?"
"Oo bakit?" ,prente nya sagot.
"Buong angkan nyo ba naka tira jan?" ,biro ko sa kanya napa ngiti naman sya.
"Tatlo lang kaming naka tira jan, si lolo, si kuya at ako. Tara na" ,sumunod ako sa kanya habang patingin tingin padin ako sa paligid.
Sumalubong samin pagpasok ay mga maid mga nasa lima sila yata at sabay sabay na yumuko pag pasok namin ni Seren. Kapansin pansin ang disenyo ng bahay, parang katulad ng office ng lolo nya makaluma tignan. May malaking chandelier sa taas at sa mismong baba non ay isang grand piano, kita ko den yung malalaking mga paintings sa sala nila. Umakyat kami sa ikalawang palapag, maraming pinto sa pasilyong dinadaanan namin binuksan nya yung isa sa mga yun bumungad sakin yung kwarto nya, doble sa laki ng kwarto ko, may sariling cr, may walk in closet pa, king size na kama, may tv, couch, coffee table, desk, book shelf, vanity, at light pink na pader.
"Ang laki ng kwarto mo, parang bahay na to ah" ,palingon lingon ako at pumukaw ng atensyon ko yung malaking picture frame sa taas ng tv nya.
Picture yon ng babaeng mga nasa 30+ palang may kalong syang batang babae at naka upo yon sa mga binti nya, mukhang si kuya von yung nasa likod nila pareho, ang bata nya pa tignan don 17 yrs old siguro.
"Mommy mo?" ,tanong ko at tumango naman sya. Kamukhang kamukha nya yung mommy nya, maganda din sya.
"Ang ganda ng mommy mo, just like you" ,sabi ko sa kanya, umupo ako sa couch.
Umupo din sya sa tabi ko at siniksik sakin ang katawan nya, "alam namin yon ni mommy" ,saad nya.
Napansin kong may mga maliliit pang picture frame sa kabilang side ng kwarto, tumayo ako at tinignan yon.
Mga pictures yon ni Seren habang lumalaki sya, isa lang ang napansin ko kasama nya sa bawat picture ang isang stuff toy na bunny.
"Ang cute mo dito oh" ,turo ko dun sa isang picture siguro 5 years old sya dun nakatayo sya sa tabi ng hagdan at naka peace sign hawak yung stuff toy na bunny, liningon ko sya pero wala akong seren na nakita napaayos tuloy ako ng tayo.
Lumingon lingon pako at hinahanap sya, baka nag cr lang , bulong ko sa sarili ko. Muli akong humarap sa mga picture, pero muntik nako mauntog. Nagulat ako dahil nasa likuran ko pala si Seren kanina pa, ano ba trip neto.
Humakbang ako patalikod dahil sobrang lapit nya sakin, sumeryoso ang mukha nya bigla, matalim ang tingin. May galit ba sakin to?
Humakbang sya papalapit sakin habang ako naman humahakbang patalikod, hindi ko alam kung may aatrasan pako o wala. Bigla syang tumigil saka ngumiti ng nakakaloko, bigla nya akong tinulak ng malakas kaya bumagsak ako sa kama nya.
Lumapit sya sakin at umupo sa mga hita ko, bigla nanaman akong kinabahan dahil sa kilos nya. Anong bang trip neto?
"Bigla ka nalang tumayo, eh gusto ko ng cuddles" ,panimula nya at naka tingin sya sa mga mata ko.
"Sorry na" ,akma akong tatayo ng bigla nya akong itulak ulit dahilan para mapahiga ko.
Bigla syang pumaibabaw sakin at naka tukod ang dalawang kamay sa kama, natatakot ako na hindi ko alam sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.
Yumuko sya hangang sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, bigla nya akong siniil ng halik at tumagal din yon ng ilang segundo. Parang tumigil din sa pag pintig ang puso ko sa ginawa nya,
"You got my first kiss, you're lucky"
♣
YOU ARE READING
Unexpected (GxG)
RomanceHaving a girlfriend is easy for me, but having a girlfriend from a classy and respected family is different,,, Hi I'm Gabriella Delgado, or just Gab. I'm 16 yrs old and a grade 10 student, from Lorenzo High School. I'm a bisexual and I'm proud, also...