Kinabukasan sabay sabay kaming nag lunch nina Sage sa SSG office, puro tanong naman tong si Sage kung ano na ba daw kami.
"We're together, nung 14 pa." ,walang kagatol gatol na sagot ni Seren.
"Edi same pala tayo HAHA, wala eh mahal na mahal ako netong si Blaire" ,sabay turo ni Sage sa girlfriend nya.
"Audacity, gosh" ,sagot ni Blaire hawak ang lipstick saka pa umirap.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, minsan sinasabayan ko sila hindi kasi nila ako hinahayaan tahimik lang.
"Tutal nandito nadin naman tayo, hoy Sage any plans?" , prenteng tanong ni Seren.
"Summer vacation kasama tong cute kong girlfriend" , proud na sagot ni Sage sabay kiliti sa nobya nya.
"I'm not a dog you stupid" ,singhal ni Blaire at pilit na nilalayo ang kamay ni Sage. Ang cute nila tignan, ibang iba ang pinapakita nilang ugali sa labas at kapag kami lang dito.
"Hindi tungkol jan, about sa plano ng mga lolo natin" , napatigil naman kami pare-pareho. Tumikhim muna si Sage bago mag salita,
"I'll talk to our lolo pagbalik nila dito sa school, we need to cut this off" , matapang na sambit ni Sage.
"Hindi man lang nila naisip yung kasiyahan nyo" ,mapait kong sabi saka sila tumingin sakin.
"Ang swerte mo sa parents mo Gab, support ka nila tapos legal na sa side mo si Seren. Samantalang kami...we can't do anything" ,ramdam ko ang lungkot ni Sage pare pareho nalang kaming kumain ng tahimik.
"You can Sage, sasamahan ko kayo mag sabi okay?" ,binalingan ko sila ng naniniguradong ngiti.
Lumipas ang Tuesday, Wednesday, at Thursday na ganon ang set up namin. Tinutulungan ko si Seren sa school works, dahil sina Sage at Blaire ang bahala sa SSG officers. Hindi ako nag tatanong kay Seren dahil mukhang wala din naman syang oras na sagutin yon sa sobrang busy nya, satisfied nako na nakikita sya. Sabay sabay naman kaming apat kung mag lunch at mag rounds, wala namang nag tataka kung bakit kami sama sama dahil mukhang natural na yun sa iba.
Iba ang pakikitungo sakin ni Seren sa labas katulad nung hindi pa kami, wala din kaming problema sa bulungbulungan dahil panatag ang loob namin pareho. Bukod na lamang sa pagsship samin ni Irish na halos hindi mamatay matay.
Lalo ding naging matunog ang pangalan ko sa mga istudyante lalo na sa mga juniors dito. Sumali nadin ako sa dance club at ginawa akong vice president, sumunod kay Irish.
"Love? Any plans this weekend?",tanong sakin ni Seren at tumigil sa kanyang ginagawa.
"Wala eh ikaw ba?" , tinutulungan ko syang mag arrange ng files ng school ngayon.
"Wala, Sundate you want?" ,naka ngiti at naka pangalumbabang tanong nya sakin, tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
Pagkahapon, wala na halos istudyante sa school oras nanaman para mag rounds.
"Diba, uuwi na lolo mo sa next Monday pagtapos ng final exam natin?" ,tanong ko at napahinto sya sa paglalakad.
"Oum, handa naman akong sabihin to. Don't worry" ,sabi nya sakin at sinserong ngumiti.
Sa totoo lang natatakot ako sa pwedeng mangyari, ayos lang naman sakin kung hindi nya pa ito sasabihin sa lolo nya. Handa naman akong mag hintay basta magkasama kami, gusto ko silang pigilan dahil nanjan naman si sage na kasama namin para magsabi.
Napabuntong hininga nalang akong sumunod sa kanya, pagka uwi magpahinga muna ako saglit saka bumaba.
"Gutom kana ba? May cake sa ref baby" ,sabi ni mama habang nanonood ng tv hawak ang remote.
Umiling lang ako, saka na naglakad papuntang kusina.
Hindi ba natatakot si Seren sa lolo nya, isa syang makapangyarihang tao dito. Natatakot akong malayo kay Seren, baka ipa-expel ako ng lolo nya.
*ting*
Dali-dali kong nilabas ang phone ko at chineck yon,
Seren_Lorenzo,
Love, ipapasundo kita sa Sunday. 6:30am onwards. IloveyouMatic ang ngiti sa mukha ko habang binabasa ang message nya, total sa Sunday palang ang alis namin free ako tomorrow. Ano kayang pwedeng gawin?
Gab_Delgado,
Okay love, Iloveyoutoo"Akala ko ba kakain ka? You're just standing there and smiling like crazy, anak" ,muntik kona mahagis ang phone ko sa gulat. Mama naman eh.
"Eto na nga ma, nag chat lang si Seren"
Pagtapos ko kumain ay agad nadin akong natulog, wala na rin naman akong iba pang gagawin.
Kinabukasan pasado alas dose nako nagising dahil alam naman ni mama na Saturday ngayon kaya hinayaan nya akong matulog ng ganon ka tagal.
Pagbaba ko ay nakahain na yung tanghalian namin ni mama, mukhang maagang pumasok sa trabaho si papa eh.
Wala naman akong planong gawin ngayong araw kaya mag hapon lang akong humilata at nakikipag kwentuhan kay mama.
"Baby, tulungan moko mag bake!" , sigaw ni mama mula sa kusina tinatamad akong tumayo at nag tungo ron.
"May okasyon ba ma? Ang dami neto ah" ,bungad ko pag pasok ng kusina nasa tatlong muffin tray kasi ang mga ginagawa nya.
"Para kay seren, para tikman nya ulit. Hindi ba sya pupunta dito bukas?" ,tanong nito habang abala sa pag hahalo ng mixture.
"Aalis kami bukas ma, 6:30 ng umaga. Hindi ko alam kung saan kami pupunta eh" ,sagot ko habang nag lalagay ng parchment paper para sa cupcakes.
"I see, dalhan mo nalang sya ng isang box, okay?" ,apaka dami naman ng isang box baka mag sawa tong si seren hayst. Tumango nalang ako sa kanya at nagpatuloy kami sa pag bbake.
Kinabukasan, maaga akong naghanda dahil alam kong anytime susunduin nako. Nag suot lang ako puting polo shirt saka black shorts pinartneran ko nalang din ng white shoes.
Bumaba nako at inabot sakin ni mama yung box ng cupcakes, nag paalam nadin ako sa kanya saka nako nag hintay sa labas.
Dumating din agad yung kotse nina seren, at yung driver lang yung nadoon. Pagdating sa bahay nila sinundan ko lang yung driver nila at nag tungo kami sa kwarto ni seren.
Kumatok muna ako bago pumasok,
"Seren? Good morning" ,bungad ko at nakaupo sya sa vanity table.
"Hi love, good morning" ,tumayo sya at humalik sya sa pisnge ko.
"Here...um pinapabigay ni mama" ,medyo na utal kong sabi, inabot ko sa kanya yung cupcakes na dala ko.
"Thanks love, ang aga aga para sa sweets"
"Saan pala tayo pupunta?" ,sambit ko saka umupo sa couch. Tumingin sya sakin at ngumiti,
"On my real home"
♣
YOU ARE READING
Unexpected (GxG)
RomanceHaving a girlfriend is easy for me, but having a girlfriend from a classy and respected family is different,,, Hi I'm Gabriella Delgado, or just Gab. I'm 16 yrs old and a grade 10 student, from Lorenzo High School. I'm a bisexual and I'm proud, also...