42

753 18 0
                                    

Gab POV

"Hindi ko rin alam kung totoo ang sinabi nya, nasa likuran ko sya non. Pero alam kong sa may batok ako natamaan, then yun boom bagsak" , kwento ko kina Blaire at Sage. Nandito kami ngayon sa Dean's office kumakain ng lunch, nakaupo lang ako sa couch hawak ang bote ng tubig at pareho silang nakaupo sa swivel chair sa harapan ko.

"Okay, thank you" ,pinatay ni Blaire ang hawak nyang tape recorder at tinago yun sa bulsa nya.

"Napagalitan ka ba ng mama mo?" ,tanong ni Sage sakin.

"Hindi naman, si Seren ang napagalitan sa ginawa nya kahapon. Hindi ba pumasok si Irish? Balak ko pa naman syang kausapin" ,pareho silang tumingin sakin.

"She's suspended until our dean comeback" , prenteng tugon ni Blaire habang kumakain ng salad nya.

"Baka gusto mong manampal ulit si Seren ah, lumayo layo kana kay Ms.Sotto HAHAHA" ,natatawang sambit ni Sage.

Tahimik akong kumakain habang nag iisip, I just wondered why she did that? Sinadya o aksidente lang? Curious ako sa dahilan nya.

"I have to tell you something Gab-"

Something? Possible kaya na confession nya ng feelings yon?

Naging close kami lately, lalo na nung sumali ako sa dance troupe ng school. Madalas kaming magkasama plus naging matunong ang pangalan namin mula nung nag perform kami, may pa ship din sila samin until now. Hindi rin nya alam na girlfriend ko si Seren....

Friday na at anniversary na ng school, may formal ceremony sa umaga. Kasama ko sina JD, Jazz, Raye, Sage at Blaire sa may harapan,

"Grabehan mga chika kahapon, iba iba ang plot" , mahinang kwento ni JD habang nagpapaypay.

"Omsim, kalat din na si Irish may gawa nyan sayo. Ang daming galit sa mga tagahanga mo HAHAHAH" ,dagdag ni Jazz

"Bagay naman sayo yang benda mo, mukha kang may third eye" ,biro ni rye sa tabi ko.

After lunch, binuksan ang iba't ibang mga stalls. Kasama ko parin sina Sage at Blaire hanggang sa paglabas ng school, tulad parin ng kahapon sinusundo ako ng kotse nina Seren at hinahatid ako pauwi. Ramdam ko ang hiya sa tuwing ihahatid at sundo ako ng driver nila,

Saturday ng mag aya sina Sage na magpatulong sa school, aayusin daw kasi yung announcement board.

Hawak ko ang mga copy ng bond paper na ididikit, Final Exam....next week Friday.

Anong isasagot ko jan e halos hindi kami pumasok ni Seren sa klase...

Nag dikit kami sa mga pinto ng lahat ng classrooms, bago pa mag lunch ay nakauwi na ako. Pagkahapon nagtanong ako ng notes kina JD na agad naman nilang sinend sa email ko.

Sunday na at sinabihan ako ni Seren na pupunta sya dito, nagligpit muna ako at nag ayos. Umupo muna ako sa study table ko at nagbasa basa ng notes na sinend nila sakin. Ang dami dami naman pano ko to maaaral saloob ng 4 na araw tsk.

"Hi love!"

"Oh,,hi love" ,bati ko sa kanya at hindi na ako nag aksayang tumingin dahil tutok ako sa pagbabasa.

"Busy ah, what you doing ba?" ,ramdam kong ang paglapit nya sa kinauupuan ko.

"Binabasa lang yung sinend na notes nina JD, teka final exam na next week nag review kana ba?" ,tanong ko sa kanya.

"That's why I'm here, let's study together" ,masiglang tugon nya sakin.

"Weh? Baka gusto mo lang ako makasama, tsk tsk ikaw ah" ,pang eechos ko naman.

"Pwedeng pwede ako umuwi anytime kung gusto mo" ,mataray na sagot nya at naupo sa kama ko.

"Joke lang, pahinga muna ako" ,tumayo ako at lumapit sa kanya inihiga ko ang katawan ko sa kama at ginawang unan ang pareho nyang binti.

Tahimik lang kami pareho ng ilang minuto, ewan ko pero ramdam ko ang titig nya.

"Kiss" ,sambit ko at ngumuso habang naka pikit parin.

"Gusto mo? Beg for it.."

Minulat ko ang mga mata ko at tumitig sa kanya, pinagtaasan nya naman ako ng kilay. Pangit siguro umaga neto, sungit.

"Alam mo ang sungit mo today, ang ganda ganda mo pa naman" , tumayo ako sa harapan at tinignan ang kabuuan nya.

"Shirts, oversized shirt, white shoes, cap. Hmm may kulang eh, patingin ng mukha" , hinawakan ko ang baba nya at inilapit ang mukha ko.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisnge at pinilit syang ngumiti, "ayan smile na, masyado kang maganda para sumimangot HAHAHA"

Buong araw kaming nag aral, take notes, basa, explanation, memorize. Para ko syang teacher dahil parang alam nya na lahat ng lessons,

"Siguro kahit hindi ka mag review, papasa ka sa final exam. Dami mong stock knowledge, grabe" ,sambit ko at mahina lang syang tumawa.

"I need to maintain my rank lalo na graduating na tayo" ,sagot nya habang busy parin mag sulat ng notes.

"Ano ba rank mo?" , curious kong tanong kagat kagat ang ballpen ko

"1" ,presko nyang sagot at ngumisi pa.

"Yabang, gusto mo talunin kita?" ,pinanliitan ko sya ng mata at agad naman syang tumawa.

"Seryoso ka? Ano ba highest grade mo?" ,tanong nya at seryoso tumitig sakin.

"Um.. 98 bakit!?" ,pagmamalaki ko. Grade ko yan sa ESP kaya mataas hehe.

"pft, HAHAHAHHAHA. 98 din yung sakin-"

"Oh diba kaya kitang lamangan-"

"98 na average" ,pang aasar nya.

What!? 98 na subject grade ko average nya lang!? Graveh hirap nga ako maka 90 na average eh.....saan ba galing utak neto.

"Ano papalagan mo pa? Kung gusto mo talaga go lang HAHAHAHA" ,dagdag pa nya.

Inirapan ko lang sya at umiwas ako ng tingin, yabang tsk.

*phone ringing...*

Pareho kaming napatingin sa phone ko, JD and 2other...calling....

Sinagot ko yon at binuksan ang camera ko, "hello? Bakit?" ,kita kong magkakasama silang tatlo.

"Bebe Gab omg may kalat na post ngayon!" ,panimula ni JD at mukhang natataranta pa.

"Ano? At kanino galing?"

" 'President of student council Ms.Lorenzo caught on act cheating with a "random girl" inside of Lorenzo High School. The president was allegedly in a relationship to her Vice President, Mr.Conception' ,mare may kasamang picture yon yung nung magkahalikan kayo ni Seren sa music room......"

Wtf.... Pinatay ko ang call at agad na pumunta sa link na sinend sakin ni JD. Maging si Seren ay mukhang nagulat nang makita namin pareho ang picture....



Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now