31

826 25 0
                                    

Home?

May iba pa silang bahay? Hanep pamilya nila kung ganon, ang laki laki na nga nitong bahay nila.

"Tara na, kuya and dad is waiting for us" ,hinawakan nya ang kamay ko saka na kami bumaba pareho.

"Good morning po" ,bati ko sa papa nya at kay kuya von.

Sabay sabay na kaming lumabas at si kuya von ang mag ddrive pareho kaming nasa backseat ni seren at nasa shot gun seat naman ang papa nya.

Bigla kaming huminto sa harapan ng isang flower shop, why they need a flower?

Bumaba si kuya von at naiwan kaming tatlo sa kotse habang nag hihintay nag kukwento nanaman ang papa ni seren tungkol sa mga bagay bagay.

"Pangarap ni seren maging doctor mula bata idol nya kasi ang kuya von nya, ang ikinakatakot ko baka hadlangan sya ng lolo nya" ,kwento nya at naka tingin samin gamit ang rear view mirror.

"Ikaw ba gab ano pangarap mo?" ,tanong sakin ni tito.

"Piloto po or architect po" ,tipid kong sagot.

"Aba ayos yan, balita ko magastos ang pag pipiloto"

Naputol ang kwentuhan namin nang bumalik na si kuya von may hawak itong basket ng bulaklak

Hindi na ako nag tanong kung para saan yon nung dumating kami sa cemetery, oh her mom.

Nauna nang nag lakad samin si tito at si kuya von, tahimik lang kaming naka sunod ni Seren habang hawak ko ang kamay nya.

Huminto kami sa isang puntod, Celeste Danica Lorenzo. Nakatalungko sina tito at kuya von sa harapan nito,inaalis nila ang tuyong dahon sa taas ng lapida.

Nag sindi narin sila ng dalawang puting kadila, at tahimik na tumayo sa harapan. Dinig ko naman ang mahihinang hikbi ni tito kita ko din kung pano punasan ni kuya von ng mga luha sa mata nya kahit naka talikod sila.

Ilang minuto pa ay humarap sila samin at umalis kasama nung driver, nag lakad si seren at umupo sa harapan ng puntod. Sumunod na rin ako at tumabi sa kanya,

"It's my mom 8th death anniversary, I was just 7 that time. Wala akong alam na may sakit pala si mom, I understand na hindi nila sinabi pa sakin dahil bata pa ako non" , tahimik lang akong nakikinig sa kanya at naka sandal ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Napakasakit dahil one more month ay birthday kona and my one and only wish na sana buo kami sa birthday ko, ay hindi nangyari at never na ulit mangyayari" ,ramdam ko ang lungkot at panghihinayang sa boses nya.

"Anyways," ,umayos sya ng upo at tumingin sakin.

"mom this is Gab my girlfriend, she's really caring mom, she never failed to make me smile, I always felt loved when I'm with her, there's alot of compliments to say about her mom" ,lalo akong natahimik at natigilan. Tinititigan ko lang sya habang diretsong naka tingin sa puntod,

"Mommy dad is back, how about you mom? I want to see you again, I really miss you" , medyo gumagaralgal na ang boses nya at halatang pinipigilan ang pag iyak.

Agad syang yumakap sakin at saka tahimik na umiyak sa dibdib ko,

"Umm hi tita, magandang araw po hehe I hope you're doing good up there tita, always guide kuya von and tito lalo na po itong mukhang iyakin- aw"

Mahina akong hinampas sa dibdib ni seren, "I'm just kidding love" , hinawakan ko ang kamay nya at tumingin muli sa pangalan ng mommy nya.

"Tutal po nandito na rin ako, nangangako po akong aalagaan ko at mamahalin tong prinsesa nyo. Wala po akong masabi dito sa anak nyo napaka perfect na para sa tulad ko, maraming salamat po" ,binalik ko ang tingin kay seren na kanina pa nakatingin sakin habang nag sasalita ako, ngumiti lang ako sa kanya saka sya tumayo.

"Mommy we'll get going na po, magsisimba pa kami. See you next time mom" ,sabay na kaming tumayo at naglakad na paalis.

Mabilis lumipas ang mga araw at anniversary daw ng school, kaya maaga akong pinapasok ni Seren may meeting daw kasi.

Nauna na akong pumunta ng meeting hall, first time ko pumunta don at bumungad ang long table na pang 30 na tao may projector sa harapan at dim ang mga ilaw.

Naupo ako sa may bandang unahan, tahimik lang akong nag hintay hangang sa marinig kong may pumasok, agad kong tinignan kung sino yon.

"Good morning Gab, mukhang napaaga yata ako" ,bungad sakin ni Irish at naupo sa tabi ko.

"Good morning den" ,mahina kong sabi.

"Kanina kapa ba? Si pres wala pa ba?" ,tanong nito at nilapag ang bag sa mesa.

"Kararating ko lang, wala pa si Seren- I mean si Pres" , nakalimutan kong pres ang tawag ko sya kanya sa tuwing nandito kami sa school.

"97th anniversary na ng school na to, for sure madami nanamang gagawin katulad noong Valentine's" ,kwento nya at tahimik lang akong nakikinig.

"Good morning"

Malamig na bati samin ni Seren, at mabilis lang akong sinulyapan. Kasama nya rin si Sage at Blaire, naupo silang tatlo sa harapan namin. Sayang at hindi ko dala ang phone ko para kausapin si Seren, mukha kasi syang wala sa mood.

Tahimik lang akong nakaupo habang naghihintay, wala akong ibang naririnig kundi ang si Sage na nag papaliwanag ng kung ano kay Seren.

Hindi nag tagal nag umpisa na ang meeting, kumpleto ang mga SSG officers. Si Blaire ang in charge para mag salita sa harapan,

"Every year naman meron tayong program too plain if we will stick to the same program, any suggestions kung ano pa pwede I dagdag?" ,tanong ni blaire at naka flash naman sa projector ang agenda ng usual program.

"Bakit hindi mag pa stalls and booths like nung Valentine's" , suggest ng isa sa mga officers.

Isa isa namang nililista yon ni blaire sa isang papel,

"Mag perform ulit ang dance troupe katulad nung last time, mabenta yon ah diba Gab?" ,biglang sabi nung isa pang member ng SSG.

Gulat akong napatingin kay Seren at seryoso lang syang naka tingin sakin,

"Ah, umm pwede ren naman" , mahinang tugon ko.

Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now