08

1.1K 32 0
                                    

"'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin"

Dinig ko mula sa labas ang pagkanta ni Gab ng pagtingin by: Ben&Ben.

Nakahawak lang ako sa doorknob at pinapakingan sya, marunong pala sya kumanta....

Napagpasyahan kong pumasok na, mukhang hindi nya inaasahan ang pagpasok ko kaya nagulat sya. Umayos sya ng upo at tinignan ako, natatawa ako sa mukha nya ngayon para kasi syang may ginawang hindi tama HAHA.

Napangisi ako saka na umupo sa swivel chair ko, nasaakin padin ang tingin nya.

"I didn't know that you're a good singer" ,puri ko sa kanya namilog naman ang mga mata nya.

"Dinig ba sa labas? Sh*t sorry ah hindi nako kakanta promise" , paliwanag nya kaya napangiti ako.

"To be honest akala ko nag pplay ka ng music, then I notice your voice. I like it" ,sabi ko saka na ako bumalik sa ginagawa ko. Hindi ako masyadong magaling mag compliment at hindi ko yun hilig gawin, nagandahan ako sa boses nya eh.

Tinignan ko sya at mukha syang asong na uulol, titig lang sya tapos naka ngiti napailing nalang ako.

Gab's POV

"I like it.." , paulit ulit yung boses ni Seren sa utak ko. WaaAaHhhH kakaibang tuwa ang nararamdaman ko, dahil ba nagandahan sya sa boses ko o dahil crush ko sya.

Crush!? Hindi pa naman siguro, hindi ko pa naman sya iniisip bago matulog, habang naliligo o habang nagsasandok ng kanin sa rice cooker.

Pagkatapos ng nangyari ay uwian na mag rrounds nanaman kami ni seren pagkatapos non ay nauna nako sa labas ng office, inaantay ko si seren na lumabas.

"Hey hey hey, kakaiba ang ngiti ah" lumapit sakin si Sage dala ang bag nya, mukhang uuwi na rin.

"Oh wala, natutuwa lang HAHA" ,palusot ko dahil ang totoo ay iniisip ko yung kanina.

"Hula ko hindi kana sinusungitan ni seren ano?" ,tumingin sya sakin at tinataas baba ang kilay. Di ko na napigilan pang matawa, at natawa nadin sya.

Bigla syang may binulong pero hindi ko yun narinig, na curious ako don ah.

"Ha?"

"Wala, sabi ko hindi naman masungit si seren sa iba lang" , paliwanag nya at parang hindi ako na convince don.

"Parang iba yata sinabi mo e-"

"Tara na" ,malumanay na sambit ni seren, kakalabas lang nya ng office hawak ang susi nito.

Hindi sumabay samin si Sage dahil hinihintay nya raw si Blaire, kung hindi ko sila kilala eh iisipin kong may gusto tong si Sage kay Blaire. Sabagay, bagay naman silang dalawa eh HAHAHA.

Ngingisi ngisi akong naglalakad sa tabi ni seren, at nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Kanina kapa ganyan, baka mapagkamalan kang baliw" ,sita nya sakin.

"May rason to wag ka mag alala" ,mayabang kong sabi.

Malapit na kami sa gate ng bigla syang tumigil, kaya tumigil din ako.

"By the way, sa office ni lolo tayo bukas" ,walang kung ano-anong sabi nya.

Sa office ng lolo nya? Sa dean's office!? Makikita ko nanaman yung lolo nya, kinakabahan ako kahit hindi ko pa nakikita ang lolo nya.

"Una nako, Bye Gab!" ,lumakad na sya papaalis, ako naman ay natigilan at nakatayo lang.

Gusto ko nalang lagnatin bukas.....

Paguwi ko ay wala sina mama at papa, wala din yung bago naming aso. Kaya nag music ako sa bahay, ang tahimik eh.

Pagtingin by Ben&Ben....

"I like it..."

Nakangiti lang ako habang hawak ang baso ng tubig, habang na pplay sa utak ko yung boses ni Seren.

Bigla naman nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko yun sa counter top.

Unknown number......

Napaisip ako kung sino to eh wala naman akong napagbigyan ng number bukod sa parents ko, kina JD hindi rin naman. Napagpasyahan ko na sagutin nalang...

"Hello?" ,may pag aalinlangan ko pag sabi at kagat kagat ang hinlalaki ko.

"Be early tomorrow" , napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Seren.

"Yeah sure"

"Yun lang, bye" , saka na nya binaba ang linya.

Ewan ko ba kung kanina ay sobrang kabado ako, pero parang mas na eexcite nako ngayon HAHA. Pero paano nya nakuha ang number ko?

"Nandito kana pala Gab pasensya na ha nag grocery kami ng papa mo" ,kauuwi lang nila kasama si pichi binitawan sya ni mama sa sahig saka pumunta sa paanan ko paikot ikot sya sa pagitan ng binti ko, ang cute cute nya tignan.

"Oohh you're smiling baby, what's the tea" ,tumuloy kami sa kusina at binuhat kona din si pichi.

"Nag eenjoy lang ako sa school ma" ,sabi ko at tumingin sakin si papa hawak ang dalawang brown bag na puno ng goods.

"Baka sa apo ng may ari sa school anak" ,eto nanaman si papa lakas mangasar eh.

"Teka kilala mo ang apo ng may ari ng school namin!?Nakita mo si Seren, pa?" ,Nagtataka kong tanong ko.

"Hindi pa, bukod nalang kung dadalhin mo sya dito" ,nagulat ako sa sinabi ni papa parang walang halong biro eh.

"Hon sakto bukas day off mo right? Why don't you invite her Gab para ma meet naman namin yung kaibigan mo" , sambit ni mama. Hindi ko nga alam kung kaibigan ako nun eh.

"Kung papayag sya ma"

"Tomorrow lunch, maghahanda ako" ,masayang sabi ni mama.

For sure hindi naman papayag si Seren, hindi nya pa ako ganun ka kilala imposibleng sumama yun sakin.

Kinabukasan ginawa ko ang sinabi ni Seren pumasok ako ng maaga at rekta sa dean's office. Nananlalamig ang pareho kong kamay at paa, para akong naiihi ng hindi ko alam. Nakasandal ako sa railings sa tapat ng dean's office.

Napaigtad ako ng may biglang humawak sa palad ko, si Seren pala. Tinitigan ko ang kamay naming magkahawak, inalis ko ang kamay ko at lumingon sa paligid.

Kita ko sa mukha nya ang pagkadismaya, "hindi ko hahawakan ang kamay mo kung may ibang nakakakita, don't worry"

Umalis muna kami para buksan yung SSG office, pagkatapos non ay bumalik na kami sa dean's office. Eto nanaman yung kaba na kanina kopa nararamdaman.

"Wag mo ipahalata na kabado ka" ,bulong Seren sakin.

Gustuhin ko man ano magagawa ko, kakaiba ang presensya nila.

Pagdating namin doon ay naka bukas na yung office, huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

Bumungad samin ang silid na halos gawa sa kahoy, ang classic tignan pati ang mga pader ay gawa sa furnished wood. Kapansin pansin ang mga display na pigurin na kulay ginto, may shelf na gawa sa kahoy na may makakapal na libro, amoy ko ang tobacco, at may mga halaman sa loob.

Nakatayo kaming parehas ni Seren harap ng wood table, na may name stand MR.THEODORE LORENZO school principal.

Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now