02

1.8K 54 0
                                    

Umayos ako ng tayo at nag aalalang tumingin sakin yung babaeng naka salamin, "um, sige na po you may go"

Napasinghap nalang ako at bagsak balikat akong nag lakad papunta sa room ko, ang laki ng school ground kumpara sa mga dati kong napasukan.

Pag dating ko ay nandun na den ang prof namin, napansin nya agad ako. Tumayo ako sa harap ang nag pakilala,

"I'm Gabriella Delgado, just call me Gab ,nice to meet you all" ngumiti ako ng kaunti at iginala ang paningin ko may dalawang bakante sa likod at umupo ako malapit sa may bintana. Hindi rin ako naka takas sa mga tingin nila, pero kailangan kong umaktong normal kahit na kabado ako.

Nag umpisa na ang klase hanggang sa matapos ang first subject, naka tingin lang ako sa labas at nag mumuni muni.

"Sit down Miss Lorenzo" ,sabi nung prof namin.

Nakita ko nanaman yung 'president' na nanghawak sakin kanina, tsk. Walang ibang upuan bukod dito sa tabi ko, malas.

Naglakad sya papunta sa gawi ko, sinalubong ko naman ang masungit nyang tingin pero umiwas din ako agad nakaka intimidate ang titig na at hindi mo nanaisin na patagalin pa yun.

Habang nagkaklase sumagi sa utak ko yung cellphone kong nasa kanya,

"Uyy yung phone ko kunin ko na" ,sabay tapik ko sa kanya.

Tinignan nya ako bigla at medyo kinabahan ako, konti lang promise. Inalis nya sakin ang tingin at nag focus ulit sa klase.

"Dali na uyy" ,kulit ko pa,

"Later, lunchtime, sa office ko" ,tipid nyang sagot.

"Pero anjan kana din nama-"

"And that's the way to get rational equation, is that right Miss Delgado" ,hindi kona natapos pa ang sasabihin ko ng sitahin kami ng prof namin. Napa pikit nalang ako sa asar, peste talaga.

"Go to the board miss, explain what I did" ,utos ng prof sakin kaya tumayo nako at tinignan ang example sa board.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita, ang tingin nilang lahat ay nasakin kaya lalong nakakakaba.

"We need to clear all the fraction and find the LCD or the least common denominator which is 40" ,turo ko sa numbers sa board habang sinusulat ang sagot ko gamit ang chalk.

"Multiply all fraction by 40, 5 over 8 multiply by 40 is 25, then 3 over 5 multiply by 40 is 24, then x over 10 multiply by 40 is 4x." , patuloy ko pa, akala siguro netong prof namin hindi ko to alam HAHA.

"Next 25-24=4x, so 25-24 is equals to 1, so 1 is equal to 4x divide both numbers by 4. So basically x= 1/4 as simple as that" , paliwanag ko at bumalik sa upuan mabuti nalang talaga medyo matalino ako eh HAHA.

Prente akong sumandal sa upuan ko at napansin kong naka tingin sakin ang katabi ko.

"Yeah she's right, nice explanation Miss Delgado" ,puri sakin nung prof saka nalang ako ulit nakinig. Pag tapos ng dalawa pang subject mukhang lunch na namin, tumayo ako at sinukbit ang bag ko.

"Galing mo kanina" , tumingin ako sa babaeng nasa tapat ng upuan ko, "hi I'm jazz" ,nilahad nya ang kamay nya at tinanggap ko naman yun.

"Sa cafeteria din ba punta mo? Sama kana samin" ,turo nya sa iba pa nyang kasama. Tumango ako at sumunod sa kanya, hindi ko napansin na umalis na pala si Miss Lorenzo, yung cellphone ko peste.

"I'm Raine Yesly Guerrero, or raye nalang" ,pakilala nya sakin maganda sya maamo ang mukha hangang dibdib ang buhok at mukhang matalino din. Ngumiti lang ako sa kanya,

"Hi I'm Jared Darius Santos, JD nalang dai masyadong maton ang name ko" ,itsura palang nya alam ko na kaagad na bakla sya, malambot ang galaw at may pilantik sa katawan, pati narin sa pananalita, gwapo sya.

"Jazzelle Tolentino" ,sabat ni jazz. Mukha syang party girl, hangang leeg ang buhok, may katangkaran tulad ko, mataray ang mukha.

"Call me Gab, nice meeting you" ,nahihiya kong sabi medyo ilang pa ako pero mukha silang pala kaibigan kaya okay to HAHA.

"WAHHH!!"

"Kuyaa! Sage!!!"

"Vice pres notice me!!"

"Ang gwapo mo!"

Dinig ko ang sigawan ng mga junior di kalayuan sa kina uupuan namin, liningon ko yun at ang daming mga babaeng istudyante ang nag kukumpulan. Ano bang meron?

"Hayy nako dai hayaan mo lang yan, si Papa Sage lang yan. Ang Vice President ng SSG" ,sabi sakin ni JD at mukhang normal na sa kanila ang gantong senaryo.

Dumaan yung sinasabi nila VP tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, may itsura hindi maitatanggi, maangas ang dating, matangkad nasa mga 6'4 siguro to.

"Wag mo sabihing bet mo yan, taken na yan HAHA may Seren na yan aka. perfect girl" ,sabi ni jazz. Perfect girl? May ganon ba?

"Ang dami pading nagkakandarapa sa kanya, iba din ang angas ng papa nyo. Ano ba order na tayo gutom na mga bulate ko" ,aya ni JD kaya sabay sabay na kaming bumili ng pagkain. Pansin ko ang mga pagkain nila dito kung hindi tinapay may naka pack na agad parang bento box. Ginaya ko nalang ang binili nila 'chicken' ang nakasulat sa taas ng bento box, bumalik kami sa pwesto namin at binuksan ko ang pagkain ko.

May grilled chicken, one cup rice, boiled quail eggs, corn, asparagus, at isang bar ng chocolate. Astig ah, grabe kaya pala mahal ng pagkain nila ang healthy pala.

Hindi ako sanay sa gantong pagkain, pero natutuwa ako dahil good for the health, tubig lang din ang choice na inumin dito.

"Hindi ka mabubusog sa titig, kain na gab" , biro ni raye natawa naman ako sa kanya. Habang kumakain kami umingay muli ang paligid, ngayon ay mga lalake naman ang naririnig ko.

"Seren hi!"

"Pwede ba daw manligaw"

"Perfect girl hi!"

Dinig ko ang iilang bulungan ng mga babae, hindi ko naiiwasang lumingon at nagulat ko ng makita ko ulit and president ng SSG. Seren pala ang pangalan mo, hmm interesting.

Diresto lang ang tingin nya at dumako sa counter, pag tapos ay pumunta sa table kung saan naka upo si Sage. May boyfriend nga.

"Dai ano na tipo mo si seren? Alam ko naman na hindi ka straight tama? Amoy ko girl" ,banat nanaman ni JD.

"Alam nyo ba kung saan yung office nya?" ,Tanong ko sa kanila at nag titigan silang tatlo.

"Manliligaw ka agad!?" ,sabi ni raye habang nag liligpit ng pinag kainan.

"Hindi, kukunin ko lang yung cellphone ko" , paliwanag ko sa kanila at patango tango naman sila.

"Kabahan kana dai, may mabigat na kapalit yan for sure..." ,saad ni jaz at walang halong pag bibiro ang kanyang tono.

Wag naman sana ......

Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now