06

1.2K 41 3
                                    

Nauna na syang mag lakad at kita kong dumiretso sya sa isang itim na sasakyan, mukhang sundo nya yata.

Kinabukasan ganun nanaman ang ginawa ko maaga pumasok at inantay magbukas ang office, pinapanood ko lang sya at paminsan minsan inuutusan nya ako.

"Lunch?" ,alok nya kaya sumama nako.

Hindi sumabay samin si Sage at Blaire at kanina ko pa sila hindi nakikita. Pagkapasok namin ay walang bakanteng upuan at kita ko ang pagkainis ni Seren.

"Bebe Gab here!" ,tinaas ni JD ang braso nya pang walo kasi yung table kaya may extra upuan pa.

Napatingin lang ako kay Seren at mukha syang nagdadalawang isip kung makiki sit in o hinde.

"Kung gusto mo sa office ka nalang kumain, susunod ako pag tapos ko" ,saad ko.

Naglakad sya papunta sa upuan nina JD at nauna pa sya sakin umupo, hula ko napilitan lang to HAHA. Umupo nalang din ako sa tabi nya, ramdam ko ang tinginan ng mga ibang istudyante.

"Akala ko dai mag isa ka lang kasama mo pala si pres" ,mahinang bulong ni JD sa tabi ko. Pare-pareho kaming tahimik, ramdamn ko ang awkwardness saming lima.

Ilang saglit pa ay tumayo na si Seren senyales na tapos na syang kumain. Tumayo nadin ako kahit hindi pako tapos konti nalang din naman yon saka ko nalang kinuha yung bote ng tubig.

"Thankyou" ,sinsero nitong sabi at saka ngumiti kina JD. Mukhang ikinagulat pa nila, weird.

"Bakit natatameme sila pag najan ka? Ano bang meron sayo?" ,pambabasag ko ng katahimikan. Kasalukuyan naming tinatahak ang pasilyo papasok sa office.

"I don't know" ,prente nyang sagot.

"Parehong pareho kayo ng lolo mo, siguro mas nakakatakot yung papa mo" , sinubukan kong magbukas ng topic. Masyadong tahimik hindi ako sanay.

"Bakit napunta sa pamilya ko yung topic?"

"Edi yung akin nalang" ,ako nalang ang magkukwento tutal bored na bored nako. Pagkapasok sa office ay balik trabaho nanaman sya, naupo ako at inilapag ang bottled water ko sa sahig.

"So yun nga..." ,panimula ko. "I'm Gab, only child ako at hindi yun masaya to be honest. Si papa naman isang engineer, si mama nasa bahay lang. Jan lang ako sa kalapit subdivision nakatira, yan lang" , kwento ko kahit na mukhang hindi naman sya nakikinig.

"Hmm.." ,yan lang ang nakuha kong sagot, ang hirap naman neto kausapin.

Natahimik kami pareho kaya hinayaan ko nalang, sumandal ako sa swivel chair at pumikit.

"My father is a teacher too. I have only one sibling, kuya Von. My mom is already passed away, when I was 3 years old. Theodore Lorenzo the dean and owner of our school, my grandfather" ,sunod sunod na kwento nya hindi ko alam kung naka tingin sya sakin. Wala na pala syang mama, hmm lungkot naman.

Nanatili akong naka sandal at nakapikit, "Dito rin ba nag tuturo ang papa mo?" ,tanong ko.

"No, hindi ko alam kung nasaan sya" ,nagulat ako sa sinagot nya. Pwede ba yun? Hindi alam kung nasaan ang sarili nyang tatay.

"I haven't seen him for 7 years" ,dagdag nya pa. Hindi nako nagtanong pa dahil ayoko manghimasok ng ibang buhay.

Katulad ng kahapon ay sinamahan ko sya mag rounds saka na kami umuwi pareho. Pagdating sa bahay may tutang sumalubong sakin, golden retriever pero puppy palang sya. Yumuko ako para abutin sya binuhat ko sya at kinalong.

"Pichi, baby asaan kana" ,boses yun ni mommy at alam kong nasa kusina sya.

"Ma kanino to?"

"Oh pichi there you are!" ,masayang bati ni mama sa asong kalong kalong ko. Pichi?

"Oh Gab meet our new dog, her name is pichi" ,kinuha nya ito sa bisig ko.

Umakyat nako sa kwarto ko at nag palit ng damit, kinuha ko ang phone ko saka bumaba. Wala pa si papa, si mama kalaro yung aso namin.

Naupo ako sa couch at chineck ang IG ko....

Seren_Lorenzo follow you.

Shempre stalk muna bago follow back HAHA, nagulat ako dahil 1.8k ang followers nya famous ah.

May tatlo lang syang post, yung una picture nya kasama ang kuya nya, yung pangalawa picture silang magkapatid kasama ang lolo nila, at yung last solo picture nya na naka ngiti. Bagay sa kanya yung naka ngiti.

Seren_Lorenzo sent you a message.

Speed naman pres baka isipin ko na crush moko nyan, bulong ko sa sarili ko.

Seren_Lorenzo: hindi naman halata na inistalk moko ano?

Pano naman nya nalaman y-. Bumalik ako sa acc nya at na like ko pala yung latest post nya. Bobo Gab.

Gab_Delgado: sorry hehe :)

Ewan ko kung bakit ako nag aantay ngayon ng reply nya HAHA.

Seen 6:12pm.

Seener ampota HAHA

"Anong klaseng ngiti yan nak?" hindi ko napansin si papa na kakauwi lang, nag bless ako sa kanya.

"Wala to pa HAHA" ,naka ngisi kong sagot.

Kinabukasan habang nag aantay ako dito sa labas ng office, biglang lumapit sakin si Sage.

"Hi! Gab good morning" ,bati nya at andun nanaman ang ngiti sa mukha nya.

"Good morning" ,bati ko pabalik.

"How is Seren doing?" ,tanong nya. Naalala ko ang sinabi ni JD, nobya nya si Seren, eh bakit hindi nya alam? Hindi ba sila nag uusap?

"Okay naman ang nobya mo, masungit nga lang"

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA" ,malakas na tawa nya, "ano ba yan Gab pati ang balitang yan naka abot sayo HAHAHAHHA"  ,natatawa parin nyang sabi.

"Hindi ba?" inosente kong tanong.

Tumatawa padin sya at hindi pako sinasagot, "wooh teka HAHA, hindi ko sya nobya wala namamagitan samin. Gusto lang ako ng lolo nya para sa kanya, bestfriend ko lang si seren" , paliwanag nito sakin. Ohh kaya pala..

"Wag mo paniwalaan ang sinasabi ng iba, naiiba ang kwento kapag galing ito sa maling tao" ,tingin malayong wika nya at saka binalik sakin ang tingin.

"Btw pumasok kana sa room nyo andoon na sya" dagdag pa nya saka tuluyan umalis.

Sunukbit ko ang bag ko saka pumasok sa room namin nandon nga sya naka upo sa tabi ng upuan ko at mukhang nagbabasa ng libro.

"Good morning pres" ,bati ko sa kanya at pinasadahan nya lang ako ng tingin at muling nagbasa.

Tinignan ko kung ano ang binabasa nya, mukhang story yon ng dalawang magkasintahan,

"May interes ka pala sa pag ibig, nag ka boyfriend kana ba?" ,usisa ko sa kanya.

Tumingin sya sakin at isinara ang librong hawak nya, "not yet, ikaw ba?"

"I don't do boyfriends" , ngisi kong sagot.

'Coz I do girlfriends....

Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now