07

1.1K 40 0
                                    

"so wala ka pang ex?" ,tanong nito.

"Meron, marami HAHA"

"Akala ko ba you don't do boyfr-"

"Yes because I do girlfriends" ,putol ko sa kanya.

Tinignan ko sya at binigyan nya ako ng nagtatakang tingin, ngumisi lang ako sa kanya.

"Okay class good morning-" ,dumating na yung prof namin kaya natuon na ang atensyon ko sa klase. Paminsan minsan, pinapasadahan ko ng tingin si seren.

Literal na maganda si Seren matangos ang ilong, maputi, medyo payat, bagay sa kanya yung straight nyang buhok na hangang dibdib, pansin ko na lagi syang may clip na yellow sa may bandang kaliwa.

Natapos ang klase namin at break na namin, sumama ako kina Jazz dahil lumabas na si Seren.

Hindi pa kami nakararating sa cafeteria eh puro tanong na sila sakin,

"Musta pagiging secretary mo? Madami ba pinapagawa? Mahirap?" ,sunod sunod na tanong ni JD

"Nakakapagod umupo at walang ginagawa kundi tignan sya sa office"

"Wow, ginawa kang taga bantay nya" ,natatawang sambit ni raye

"Nag checheck lang kami ng room tuwing hapon pagkatapos ng uwian" ,kwento ko sa ginagawa namin ni Seren.

"Yun lang?" ,ani ni JD. Tumango naman ako, "Ano masungit ba?? Pusta ko nasungitan kana non HAHA" ,dagdag pa nya.

"Hindi naman masyado-" , napatigil ako sa pag sasalita ng may maalala ako, "rules are rules" , napakagat nalang ako ng labi ng maisip kung gano sya non kalapit sa mukha ko.

"Ooh sa loob ng dalawang araw mukhang naka score tropa natin" ,biro ni jazz.

"Hoy hindi ah, hindi" ,tanggi ko.

"Dai pula ang tenga oh, ano yan trip mo lang?"  ,turo ni JD sa tenga ko napakamot nalang ako ng batok at tinawanan nila ako.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami pabalik sa room,

"Yan yung bagong alalay ni pres diba?"

"Yung bagong transfer?"

"Bilis maka sipsip ah"

"LAKASAN NYO KAYA PARA MARINIG NYA!?" ,sigaw ni JD. Hinila ko ang manggas ng damit nya, senyales para hayaan nalang nya yun.

"Mars lakas maka issue ng pagiging secretary mo" ,sabat ni raye.

Napansin kona din yon, mas maraming mata ngayon ang naka titig sakin. Ayoko ng gantong atensyon, nakakastress lang dahil maling galaw mo topic kana agad.

"Gab! Hey tawag ka ni seren. Hi Jared" ,nilingon ko si Sage at mukhang hinihingal sya pero agad din syang umalis.

"Tawag kana nung crush mo, larga na dai" ,sabat ni JD.

Iniwan ko na sila at dumiretso ako sa office, naka upo sya sa swivel chair at may hawak na folder. Lumapit ako sa kanya at tumayo ako sa harapan ng table nya tinukod ko naman ang dalawa kong kamay sa mesa.

"Bakit?"

"Nothing, sit down" ,sagot nya.

Naupo naman ako at sumandal, eto nanaman kami sa walang katapusang katahimikan. Gusto ko syang kaibiganin, saka curious ako tungkol sa kanya.

Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now