19

873 29 0
                                    

Kinabukasan ay buong araw namin ginugol ang oras namin sa pag papractice, hindi ko pa nakikita si Seren mula kaninang pagpasok ko.

Lunch na namin kaya sabay sabay kaming pumunta ng cafeteria, bumili ako ng pagkain saka nag punta sa dean's office. Naabutan ko si Seren na naka upo sa swivel chair at nag susulat, lumapit ako sa kanya at nilapag ang pagkain namin sa table nya. Naglakad ako papunta sa mismong tabi nya yumuko ako ng kaunti at hinalikan sya sa ulo.

"Kinda busy sa sayaw eh" ,sabi ko saka sya tumigil at tumitig sakin.

"Kain kana" ,tipid nyang sabi.

"May problema ba? Ang lungkot mo"

"Wala baka gutom lang ako, kain na tayo" ,sagot nya saka ngumiti sakin. Dama ko ang kakaibang presensya nya, kita ko din sa mata nya ang lungkot na hindi ko maintindihan.

"How was the practice?" ,prente nyang tanong.

"Hmm ayos naman, ayaw mo bang manood mamaya? Last practice na namin eh" ,aya ko sa kanya pero umiling sya.

"I have more things to do, may meeting pa kami together with the prof mamaya. So wag mo nako hintayin umuwi, ako nadin bahala mag rounds mamaya" , paliwanag nya saka nalang ako tumango. Baka pagod lang sya kaya ganyan...

Tumayo nako at niligpit ang pinagkainan namin, "mauna nako ah, text moko pag naka uwi kana mamaya" ,muli akong lumapit sa kanya at humalik sa ulo nya sumilay naman ang ngiting kanina ko pa gustong makita.

"Kiss lang pala katapat ah, smile na. Byee" ,paalam ko saka na tuluyang lumabas.

Pagdating sa theater room ay nadoon na sila at namamahinga,

"Ate nyo Gab kakaiba ngiti oh" ,puna ni JD

"Masaya lang" ,sagot ko at hindi ko padin matago ang ngiti sa labi ko.

"So last practice na natin to okay, just one perfect dance pwede na tayo umuwi" ,sabi ni irish at tumango kaming lahat.

Bumalik kami sa pwesto, naka alalay sakin si irish dahil mas magaling syang sumayaw kesa sakin. Todo bigay ang iba naming kasama lalo na si JD, natapos namin ang kanta ng walang nag kakamali.

Nag request pa sila na sayawin pa namin ng dalawang beses, plakado ang bawat galaw at masasabi kong perfect na.

"Oy pansin ko ang tandem ni irish at gab ah" ,sabat nung isang member ng banda.

"Same, bat hindi kaya kayo mag interpretative dance duo tapos kami back up nyo? You think?" , suggest ni JD at agree naman sila. Sa totoo lang ayoko dahil baka mapagod lang ako.

"Don't worry pili tayo ng song yung slow tempo, tapos easy yung dance steps. Ano G?" ,sabi naman ni Jazz kaya tumango nalang kami ni Irish. Sila ang nagbuo ng choreography at napili naman nila yung kantang dusk till dawn by zayn malik and sia ,slowed version.

Kung yung una naming sayaw ay mabibilis at sharp eto naman ay mabagal. Sa una din naming sayaw ay puro simple touch lang, dito naman sa sasayawin namin ni irish ay may halong eye contact para daw mas maganda. 2 minuto lang yung kanta pero parang sinasayaw ko yung ng kalahating oras, halos sa ginagwa nilang steps ay magkahawak ang kamay namin kundi kaya magkadikit ang katawan.

"What if kantahin natin ng live? Irish marunong kaba kumanta?" ,tanong ni JD.

"Medyo" ,nahihiyang sabi nya.

"Ayos na yan mas maraming kakantahin si Gab" ,sabat ni raye.

Kinabisa pa namin ni Irish yung steps dahil kadalasan ako yung nag kakamali, mabuti nalang hindi sya naaasar. Yung mga members naman ng banda ay umuwi na kasama yung ilang dancers kami kami nalang nina JD, raye, jazz, irish, ako at yung isa pang lalaking dancer na kapares ni jazz.

"Bebe Gab pamatay ang titig ah grave woohh hot" ,sigaw ni JD sa baba medyo napangiti naman ako.

Ng matapos kami ay sabay sabay na kaming umuwi, dumaan muna kami ni irish sa dean's office pero naka lock na yun kaya umuwi nadin kami.

Pagka uwi ko ay hindi nako naka kain pa ng dinner, nag palit lang ako ng damit saka na natulog.

Kinabukasan mabuti nalang at hindi ako late nagising, pumasok ako at nag antay sa kanya sa dean's office. Pag dating nya ay nagpaalam din sya agad dahil marami silang gagawin nina Sage, ako naman ay naupo sa swivel chair at hawak yung printed lyrics nung kanta. Sinusubukan ko syang kantahin sa isip ko, nag stay pa ako ng ilang minuto don saka nako pumasok sa room.

Pag dating ko don ay wala sila JD pati ang bag nila, dumiretso ako sa theater room at nandoon sila nag papractice ng sayaw. Natanaw ko si irish na naka upo lang sa gilid,

"Irish pwede ba nating kantahin yung song?" ,bungad ko sa kanya at agad naman syang tumayo.

Pumunta kami sa music room dahil walang tao don naupo ako sa isa sa mga high chair, kumuha na din ako ng acoustic guitar dahil wala kaming minus one na kanta.

Inumpisahan ko ang pagkalabit sa gitara,  pansin ko sa lyrics ay halos sinasabayan nya ako at wala syang solo. At dahil hindi sya ganun kagaling kumanta ay inaalalayan ko sya,

"Magaling ka pala mag gitara, talented huh" ,sabi nya kaya natawa ako.

"Hindi naman masyado" ,humble kong sabi.

"Balik na tayo sa theater room, yung sayaw naman ang ipractice natin" ,sabi nya kaya tumayo na kami at binalik ko muna yung gitara.

Habang nag lalakad kami ay tanaw ko yung mga kumpulan ng mga istudyante, mukhang 2 days ang vacant para sa preparation ng Valentine's Day.

Pagdating sa theater room ay ang daming mga istudyanteng nandoon nanonood ng practice nandoon din ang banda ng school, ang dance group, pati ang iilang prof. Bigla naman akong kinabahan dahil hindi ako ganon ka galing sumayaw,

"Oh nanjan na pala sina Gab sakto kayo ang susunod na mag papractice" ,bungad samin ni jazz kaya lalo akong kinabahan.

Tinanggal ko ulit ang vest at bow tie ko at binuksan ang dalawang butones sa taas ng long sleeves ko, nanlalamig na ang pareho kong kamay. Bago kami umakyat sa stage ay iginala ko muna ang mata ko baka narito si Seren, pero wala akong makitang seren kaya bumuntong hininga muna ako bago tuluyang naupo sa harapan ng grand piano.

Sana wag ako magkamali....bulong ko sa sarili ko.

Unexpected (GxG)Where stories live. Discover now