Chapter 35.2

211 8 0
                                    

Theo's Pov:
Nang matapos ang party ay umuwi na kami pero sa bahay ng mga magulang ko kami umuwi.
"Mabuti nalang at Hindi nagalit si Trisha"
"Alam kung nahimasmasan siya sa mga sinabi natin kanina. Sana nga balang araw mapatawad niya na tayo"
"Sana nga"
"Sweetheart, wala pa ba sina mommy? "
"Hindi ko alam"
Naunang nagpaalam ang mga magulang niya dahil napagod daw ang mga ito at si Thea naman ay sumama sa kanila dahil nga inaantok na ito.Kaya nakapagtataka kung wala pa ang mga ito.May iba siyang nararamdaman, kinakabahan siya na parang ewan.Tumunog ang cellphone ko at na kita ko ang pangalan ni Ali na tumatawag.
"Hello"
"Dinukot sina mommy"
"What!!!!Are you sure? "
"Muka ba akong nagbibiro"
"Pano mo nalaman?"
"Hindi na importante yon.. I need your help I mean everybody's help, the old gang. I need you all. Eh te-text ko ang address at agad kayong sumunod"
Napatay ang linya kaya bumaling ako kay Yen.
"May dumukot kina mommy"
"What?? "
"Kailan nating sumunod agad kay Ali bago pa mahuli ang lahat."
"Theo, ang anak natin"
"Kumalma lang tayo, alam kung Hindi hahayaan ni Ali na mapahamak ang mga magulang namin lalo na si Thea"
"Tawagan mo na sina PJ"
"Okay"
Si Yen na ang bahalang tumawag sa mga kaibigan niya at ako naman sa mga kalalakihan.Ilang minuto lang ang lumipas ay nandito na sila.Sina MJ at Sam ay nasa kabilang kanto lang ng subdivision. Si PJ naman at Jeliene na siyang nag live in partner kamakailan lang ay nasa katapat lang na subdivision ang mga ito.Si Alexa naman at Josh ay magkalapit bahay lang at pariho din ng subdivision nina PJ at Jeliene.
"Anong nangyari? "(Tanong ni Sam)
"Dinukot sina mommy kasama si Thea"
"Ano??!! "
"Kailangan ko ng tulong niyo I mean si Ali.Hindi niya makakayang mag-isa yon kailangan nating sumunod sa kanya bago pa mahuli ang lahat"
"Sige"
"Jeliene Hindi ka pwedeng sumama"
"Pero kailangan ako ni Ali"
"Jeliene baka mapano ka at si baby"
Nabigla kaming lahat sa sinabi ni PJ, ibig ba niyang sabihin buntis si Jeliene.
"It's a long story, basta buntis si Jeliene at Hindi siya pwedeng sumama"
"Jeliene dito ka nalang, ikaw na ang magbantay sa mga bata"
Kasama nina Sam at MJ ang mga anak nila dahil wala daw itong ibang pagbibilinan.
"Pero----"
"Jeliene wag na mag matigas"
"Oo na!! "
"Sumunod nalang kayo sa kotse namin, alam ko ang address"
"Okay"
"Tatawagan niyo ako ha"
"Oo na Jeliene basta dito ka lang at bantayan mo ang mga anak ko"
"Sige na umalis na kayo"
"Let's go"
Agad kaming nagsitakbuhan sa mga kotse namin at agad iyong pinaharurot mabuti nalang at hindi masyadong malayo ang Binigay na address ni Ali.Medyo malapit lang ito sa hotel na kung saan ginanap ang party.Pagdating namin Don ay na kita namin ang isang abandunadong building na kung saan ay may limang palapag.
Trisha's Pov:
Aaminin ko masaya ako sa araw na to,naunang nagpa-alam sina mommy dahil pagod na daw ang mga ito sumama na din si Thea dahil inaantok na ang mga ito, pero sina Sam at MJ ay mas naunang umuwi.
"Ymar,sundan mo ang sasakyan nina mommy at daddy.Siguraduhin niyo na ligtas silang makauwi.Kapag may mangyaring hindi maganda, tawagan mo ako agad. "
"Sige po ma'am Trisha"
"Sige na"
"Opo"
Kanina pa masama ang pakiramdam ko, para mapanatag ang loob ko ay pinasundan ko sa mga tauhan ko ang mga malalapit sakin para masiguradong ligtas ang mga ito.Hindi din kami nagtagal sa hotel dahil agad din naman kaming nagsiuwian.
"Babe, are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili eh"
"Masama ang pakiramdam ko"
"Masakit ba ang ulo mo? "
"No, I mean masama ang pakiramdam ko dahil feel ko may mangyayaring Hindi maganda. "
"Babe, guni-guni mo lang yon"
"Sana nga"
"Just chill okay, don't worry"
Pagdating namin sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto at nagbihis.Tumunog ang cellphone ko at agad ko itong sinagot.
"Hello, Ymar"
"Ma'am masama pong balita, dinukot ang mga magulang mo kasama ang pamangkin mo"
"What!!!! "
"May humarang po sa sasakyan nila, dalawang itim na van"
"Na kita mo ba kung sino ang dumukot"
"Naka maskara po sila. Hindi nalang kami sumugod dahil dalawa lang kami kaya sinundan nalang namin ang sasakyan"
"Text me the address at tumawag ka ng back up, sabihin mo kailangan ko sila ngayon."
"Sige po ma'am"
"Pakibilisan niyo, susunod nalang ako dyan.Pumasok kayo ng tahimik sa lungga nila"
"Copy"
Pinatay ko ang tawag at tinawagan si Theo.
"Hello"
"Dinukot sina mommy"
"What!!!!, Are you sure? "
"Muka ba akong nagbibiro"
"Pano mo nalaman?"
"Hindi na importante yon.. I need your help I mean everybody's help, the old gang. I need you all. Eh te-text ko ang address at agad kayong sumunod"
Di ko na pinatagal pa ang paguusap namin dahil agad kung pinatay ang tawag at finorward ang address na binigay sakin ni Ymar.Kumuha ako lang ako ng leather jacket at dalawang baril.
"Zachhh!!!! "
"Where are you going? "
"Kailangan kung umalis, dinukot sina mommy"
"What?Sasama ako"
"No!! Stay here Zach"
"I'm coming with you, sa ayaw at sa gusto mo. Sasama ako, nagalala ako kina tita"
"Okay, just change "
"No thanks. I'm fine. Kukuha lang ako ng baril"
"Mauna na ako, sumunod ka nalang"
"But babe"
"No buts"
"Take care, okay? "
"I will"
"I love you"
"I love you too"
Umakyat patungong kwarto si Zach. Aalis na Sana ako ng may tumunog sa cellphone ko.May nag send sakin ng video kaya pinindot ko yon.
"Hi, my dear step cousin.How are you?. It's been a while.By the way happy birthday to you.Sorry na late sa pagbati, but I have something for you"May tinawag ito kung hindi ako nagkakamali isa yon sa mga tauhan niya.
" Look Ali----opps Trisha na pala.Someone wants to talk to you! "
"Ali... Anakkk"
"Daddy"
"Anakkk"
"Mommy"
"Titaaa pretty!!! Hellppp!! I'm scared"
"T--hea!!. Mom. Dad. Don't worry ililigtas ko kayo"
"Anak,tandaan mo mahal na mahal ka namin"
"Tamaaa na yannnn!!kayo, kayong tatlo ang magbabayad sa ginawa ni Ali sa pamilya ko!!! "
"Tumigil ka na Georgina"
"Shut the f*ck uppp!!! "
"Georgina, mabait kang bata. Bakit mo ba to ginagawa"
"Joseph patahimikin mo nga yan!!! "
"Ahhhh"
"Ngayon Ali, mararanasan mo na din ang nararamdaman ko non. Habang walang awa mong pinatay ang daddy ko.!!! Kaya Magdusa ka. Dahil pagpunta mo dito huli ka na"
Napatay agad ang tawag kaya tumakbo ako ng mabilis at pinaharurot ang sasakyan.
Alexa's Pov:
Pagdating namin sa mismong lugar ay madami ng natumba na mga kalaban.Kung meron man, ka unti nalang. Pero alam namin na mas madami pa ang mga tauhan sa itaas na palapag.Nandito pa lang kami sa 1st floor kaya wala pang masyadong bantay.
"Guy's"
Napalingon kami sa likuran.Nakita namin si Zach at kasama pa nito si Lexlie.
"Nakita niyo ba si Ali? "
"Kaka dating pa lang namin" (Sagot ni Theo)
"Impossible lung si Ali ang may gawa nito. Alam kung madami ang mga tauhan ni Georgina. "
"Don't worry tumawag na si Ali sa mga gangs na hawak niya, tyaka malalaman niyo na hindi siya kalaban kapag nakasuot ng black leather jacket"
"Okay!! Copy"
"Maghiwa-hiwalay tayo, kami ni lexlie sa bandang harapan.Kayo naman Yen at Theo sa bandang kaliwa. Sam, MJ, at PJ sa bandang kanan.Magkita kita nalang tayo"
"Okay"
Gaya ng sabi ni Zach, sa bandang kanan kami pumunta.Madami din ang kalaban kaya mapapalaban ka talaga.  Matagal tagal nadin simula nong huli kaming lumaban mabuti nalang hindi ko pa nakalimutan ang tinuro ni master o ang lolo ni Trisha.
Trisha' s pov:
Suntok doon, suntok dito.Tadyak doon, tadyak dito.Baril doon, baril dito.Madali lang sakin na kalabanin ang mga tauhan ni Georgina kaya madali akong naka punta kung nasan niya dinala ang mga magulang ko pati nadin ang pamangkin ko.
"Mommy, Daddy. Thea. "
"Trisha!! "
"Ali, anak"
"Tita pretty"
"Okay lang ba kayo? Sinaktan ba kayo ni Georgina? "
"Okay lang kami, wag ka ng mag alala"
"Nasan si Georgina? "
"Tumakbo na siya papunta sa rooftop kasama ang mga tauhan niya."
"Okay lang ba talaga kayo?"
"Okay nga lang kami, wag ka ng magalala. Hindi niya naman kami sinaktan ng maigi kaya okay lang"
"No!!! I want to make her pay"
"Ali, kaya namin magbuwis ng buhay basta ligtas ka lang"
"Mom, Dad.Im sorry. "
"Sweetie, kami dapat ang humingi sayo ng tawad. "
"Mom, naging makasarili ako. Hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako.Mom, dad. Kahit na ano pa ang nangyari hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sa inyo. "
"Alam namin.Kaya wag mo ng sundan si Georgina sa rooftop ayaw namin na mapahamak ka"
"No!!! "
"Anak, hayaan mo na siyang Makatakas."
"Hindi ko yon hahayaang mangyari dad. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa inyo"
"Huli ka na. Baka nakasakay na siya sa helicopter na susundo sa kanya. "
"Hahabulin ko siya.Thea, look at me.Don't be scared okay?Sumama ka kina lola at lolo mo. "
"Okay po tita pretty"
"Good girl. Dessa samahan mo sina mommy. Wag mo silang hayaan na Mapahamak.Ymar, samahan  mo ako. Susundan natin si Georgina.Lets go"
Tumakbo ako ng mabilis, tinakbo namin ang isang palapag para dumating kami sa rooftop.Agad akong tumakbo sa kinaruruonan ni Georgina.
*banggg... Banggg*
Binaril namin ni Ymar ang mga tauhan na nakapalibot kay Georgina.Ang helicopter ay nakalapag na sa mismong gusali.Sasakay na sana si Georgina para Makatakas pero hindi ko siya hinayaan dahil pinaputukan ko ang mismong helicopter kaya ito sumabog.
"Hayopppp ka talagaa Aliii"
"Bakit Georgina,sino ba ang mas hayop sating dalawa? Hah! "
"Pinatay mo ang daddy ko na walang kalaban laban.Ginulo mo ang buhay namin. "
"Pinagbayaran lang ng daddy mo ang ginawa niya sa grandparents ko."
"Wala akonggggg paki alammalamm, pinatay mo parin ang daddy ko"
"Dapat lang yon sa kanya"
Sinugod niya ako at natamaan ang than ko kaya napaigik ako sa sakit. Pero hindi ko yon pinahalata sa kanya.Lumaban ako sa kanya, hand to hand combat.Magaling din si Georgina pero hindi ako nag pa huli.

#end_of_chapter

THE HEARTLESS MAFIA QUEEN MEETS THE FIVE GANGSTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon