Nakaraan

203 7 0
                                    

"Nakaraan"


Isang alaalang di malimutan

Isang pagsubok na dati'y nalampasan

Ngunit ngayo'y  nahihirapan

Bakit kay pait ng katotohanan?

Ngiti mo'y di na masisilayan

Kamay mo'y di na mahahawakan

Labi mo'y di na mahahalikan

Ang hirap namang pigilan

Ako'y umaasang mauulit pa ba ang nakaraan

Ngunit tila ito'y imposibling balikan

Di na mauulit pa kahit kailan

Sapagkat ika'y puno na ng kasiyahan

Puno ng pagmamahalan

Sa piling ng iyong bagong kasintahan


__________________________________________

Thank you for reading, Blessings!

I hope you had a nice day today. God bless you and take care always! I love you!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!




Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon