Ngiti

1K 19 3
                                    

"Ngiti"

Mga ngiti mula sa'yong mga labi

Nais masilayan sa araw at gabi

Itong puso ko biglang nabighani

Tila tumigil ang aking mundo ng makita ka binibini

Mga ngiting nagbibigay ligaya

Dito sa puso kong nag uumapaw sa saya

Sa twing masisilayan ka ng aking mga mata

Kakaiba ang nadadarama

Sana'y maipagtapat ko na itong aking nadarama

Upang di na mabahala pa
Kapag may kasama kang iba

Ngunit paano nga ba? Ako'y nahihiya!

Oo! Ako'y torpe na! Di ko kaya

Maipaglalaban ko ba?

Itong nararamdaman ko sayo sinta?

Kung ako'y nahihiya?

Hanggang tingin nalang yata

May gayuma ba?

Yang mga ngiting iyong pinapakita?

Bakit para akong sasabak sa gyera

Kapag malapit sayo sinta

Sobrang kaba ang aking nadadarama

Parang sasabog ako dahil sa kaba

Anong gagawin ko sinta?

Hahayaan lang ba? Na mapunta ka sa iba?

Di ko kaya

Ipaglalaban kita
Ipaglalaban ko na

Itong nararamdaman sayo sinta

Di na mahihiya

Kakapalan na ang mukha
Di kita hahayaang mapunta sa iba

Akin ka lang sinta

Mamahalin ka

Iingatan ka

Mahal kita

Di na kita papakawalan pa

Akin ka

At walang makakapigil sakin, Sinta.

______________

Thank you for reading!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon