Ang Buhay II

195 4 0
                                    

"Ang Buhay"

Ang puno na siyang ating nilalakbay
Sa daan may tinik na sumasalakay
Dala nito sa atin ay pagkalumbay
Tila bukas ay isa ng lantang gulay

Ang buhay ay puno ng pait at sakit
Sa Bathala huwag mahiyang lumapit
Matatangay man sa pagihip ng hangin
Sa kanyang kamay tayo ay sasagipin

Lahat ng ito'y ating malalampasan
Kasaganahan ay ating makakamtan
Ang silaw ng ilaw ating matatanaw
Tayo'y manalangin, darating ang araw

___________________________

Hi, Blessings!

Ito ay isang tulang pastoral na nagbibigay ng positibong mensahe tungkol sa buhay sa kabila ng pagiging masalimoot nito. Ito ay may 3 saknong, 4 na taludtod, at 12 sukat. Ito rin ay ginamitan ng simbolismong salita.

Puno - buhay
Tinik - kahirapan
Ilaw - pag-asa
Bathala - panginoon

I hope this can help you! Especially to Grade 10 students =)

ALWAYS REMEMBER:

ASK PERMISSION FIRST BEFORE YOU COPY THIS. That would be highly appreciated. Thank you!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon