Katanungan

165 4 0
                                    

"Katanungan"

Sa gitna ng daan na aking nilalakaran

isip ko'y puno ng katanungan

nag-iisip paano tatakasan ang nakaraan

Kailan ko ba makakalimutan?

kailan ba ako nito lulubayan?

Pikit mata'ng dinadama

ang sakit na iyong dala

hanggang kailan ba ako luluha?

namamaga na ang aking mga mata

Pilit kang winawaksi sa ala-ala

ngunit nanghihina sa tuwing naalala

ang kislap sa'yong mga mata

Ngiti mo'y di makalimutan

tila nakaukit na sa aking isipan

Bakit ba at naalala ka pa?

sakit lang naman ang iyong dala

Bakit ako'y di mo nilulubayan pa?

may sugat ka na naman bang ipapa-alala

Noon pa kita gustong tanggalin sa'king sistema
Ngunit bakit hanggang ngayon nandito ka pa?

Sa isip ko'y nais ka ng alisin
pero bakit di ko kayang gawin?
pangalan mo parin

ang siyang laman ng aking damdamin

____________________________

Thank you for reading! I hope you did like it.

Don't forget to vote and leave some comments!

Keep safe everyone!!!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon