Paano?

380 14 0
                                    


"Paano?"

Sabi nila
Kapag mahal mo
Ipaglaban mo

Sabi nila
Kapag sayo
Angkinin mo

Pero paano kung hindi pareho
Paano kung mahal mo
Pero di sayo

Yung tipong iyong pinaglaban
Pero di mo naangkin kahit kailan

Paano? Paano...

Lumalaban kahit nasasaktan
Nagmamahal na parang walang hangga
Inaangkin, kahit di naman akin

Ano ba ang dapat gawin?
Sa pag-ibig ba magpapaalipin
Puso ko'y sayo lamang nakatingin

Ilang bigat ang dapat pasanin
Ilang sugat ang dapat tiisin
Para lamang ika'y maging akin

Paano ko ito dadalhin?
Katanunga'y pakiusap iyong sagutin
Puso ko'y nasasaktan narin

Paano? Paano...

Paano ba magmahal
nang di nasasaktan?
Paano ka ba maging akin
Nang di nahihirapan?
Paano?

Kahit ilang karayom
Ang itusok sa akin
Handa ko itong tanggapin
Kahit pa ulit-ulitin
Sakit ay titiisin

Dahil kahit anong gawin
Mahal ko
Mananatiling ikaw pa rin
Kahit di ka man akin

_______________

Thank you for reading, Blessings!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon