Kung

131 6 0
                                    

"Kung"

Kung sana'y ako ay nilingon mo
Kung sana'y tibok ng puso ko'y dininig mo
Kung sana'y pagtingin ko'y nalaman mo

Hindi sana magiging ganito

Hindi sana nadudurog ang puso mo
Hindi sana lumuluha ang mga mata mo

Dahil kung ako sana ang pinili mo
Hindi mawawasak ang iyong puso
At sabay nating bubuin ang ating sariling mundo

Hindi ka luluha
Hindi ka magluluksa

Dahil pagibig ko'y tangging ilalahad sa'yo ay tuwa

Kung ako lang sana ang iyong minahal
Kung ako lang sana ang sayo'y nakalaan

Hindi ka masasaktan
Hindi ka iiwanan

Kung ako lang sana

_________________________

Hi, my Blessings!

Don't forget to vote and leave some comments!

Take care, everyone!


Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon