Kailan

669 17 2
                                    

"Kailan"

Kailan ba aaminin?
Ang lihim na pagtingin

Iintindihin mo ba ang damdamin
Kung sakaling ako'y umamin?

May pag-asa bang mapansin
Ang laman ng puso't damdamin
Iyo bang aalamin? Iyo bang susuriin?
Pagtutuonan mo ba ng pansin?

Siguro hindi na kailangan
Dahil tila iyo ng napag alaman
Ako'y masyadong naging halata
Madaming mata ang nakakita
Ngunit tila'y para sayo ito ay wala

Haharapin pa ba kita?
Aamin pa ba?
Kung ngayo'y batid mo na
Kailangan pa ba?
Siguro 'wag na

Ika'y pilit inaalis sa isipan
Takbo ng takbo na parang walang hanggan

Tila ika'y bituin sa kalangitan
Di masusungkit kailanman

Ang buhay minsan may kapaitan

Aking pag-ibig di natugunan

______________

This poem was dedicated to my friend who had a crush on someone but sadly the girl didn't crush him back :< So, I decided to make a poem about his situation and sent it to him. And he loved it! Haha.

I hope you like it!

Thank you for reading!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon