Kunwari

280 8 4
                                    

"Kunwari"

Ayos ka lang ba?
Masaya ka ba?
Kaya pa ba?

Mga katanungan nila
Na 'di ko mawari kung sasagotin ko ba

Kasi kahit sa sarili ko
'Di ko alam ano ba talaga
ang nararamdaman ko

Kung ayos lang ba ako
Kung masaya ba talaga ako
Kung kaya ko pa ba lahat ng ito

Siguro
Magkukunwari na lamang ako

Magkukunwaring maayos lang
hangga't may hininga

Magkukunwaring masaya
Hangga't may iluluha pa

Magkukunwaring kaya pa
Hangga't nakakabangon pa

Kasi kahit hindi na talaga
Kahit hindi na maayos
Kahit hindi na masaya
Kahit hindi na kaya

Alam kong sa buhay
Ako'y lalaban pa

Kahit sobrang nahihirapan na
Kahit sobrang sakit na
Kahit sumusuko na

Lalaban at lalaban pa
Babangon at babangon pa

Kasi
nandyan sila
Nandyan siya
Nandyan ka

Naniniwala saking kaya ko pa
Kahit alam kong ako'y magkukunwari lang pala.

_____________________

Hi, Blessings! It's been rough for me these days. I haven't slept well and I'm so exhausted with this online class! GHADD! HAHA. But anyway, I hope you are having a good sleep and a healthy body and brain. Don't skip meals coz it's not good. Please take care of your human body coz that what you're going to use to accomplish your dreams. Unlike me....hehe. So, that's it Blessings! Take care of your self. Good night and sweet dreams. May all of us dream about our crush. LOL!

Don't forget to vote and leave some comments!

G NIGHT EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon