Pangarap na Kuwento

587 11 0
                                    

"Pangarap na kwento"

Magkakabunggo habang naglalakad at nagbabasa libro
At doon magsisimula ang kuwento
Kung kailan sabay titibok ang puso
Ng dalawang taong pinagtagpo

Ganyang kuwento ang gusto ko.
Dalawang tao'y magkakatagpo
At parehong mahuhulog ang puso

Kuwentong gusto kong mangyari sa buhay ko
Kung saan naglalakad ako
Habang nagbabasa ng paborito kong libro
At may makakabunggo
Na siyang nagbabasa rin ng libro
At ang oras ay hihinto
Sabay na mahuhulog at titibok ang aming puso

Ngunit ito lamang ay panimula ng kuwento
Dahil tadhana lamang ang nakakaalam sa susunod na mangyayari dito
Dahil ito lamang ay isang pangarap na kuwento
Ng isang babaeng katulad ko
Na mahilig magbasa ng libro

_______________________

THANK YOU FOR READING!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon