Bituing Iniibig

382 7 7
                                    

"Bituing Iniibig"

Sayo'y nakatingin

na tila ika'y natatanging bituin

kay sarap mong pagmasdan

kahit layo mo'y ilang daan

sa iyong bawat kislap

ako'y tila nasa ulap

ako'y nangangarap

na sana ika'y makaharap

na sana ika'y makayakap

ngunit aking napagtanto

napakaimposible nito

dahil ika'y malayo

di kailanman maabot ng kamay ko

at ikaw ay nakangiting nakatayo

habang pinagmamasdan ang nagpapakislap sayo

ang bumubuo sa iyo

siya ang tanging iniibig mo

hindi ako

hindi ang tulad ko

_____________________________

THANK YOU FOR READING!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon