Hiling

615 20 0
                                    

"Hiling"

Naranasan mo na bang humiling?
Na sana, ikaw ang kanyang piliin
Na sana, ikaw nalang ay naging bituin
Na siyang lagi niyang susungkitin

Hiniling mo ba
Na maging sayo siya
At ika'y maging kanya

Hiniling mo ba
Na sa isang kuwento
May kayo na mabuo

Nakakatawa ba?
Hiniling kong maging akin siya
Makasama siya
Maging pag-aari siya

Sa maliwanag na buwan
Sa bituing nagkikislapan
Aking kahilingan
Sana'y bigyan ng katuparan

Heto at nakapikit
Nais maging bituin sa langit
Umaasa, na sana ako'y naaisin mong masungkit
Ngunit ang mundo'y mapagkait
Ibang bituin ang iyong nais makamit

_____________________


Thank you for reading, Blessings!

Don't forget to vote and leave some comments!

KEEP SAFE EVERYONE!

Tagalog Poems: The Unspoken of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon