RED COLLINS"Hey.." Sabi ni Cali at tumabi sakin sa pagkakaupo.
Ako naman ay yumakap sa bewang nya at sumandal sa dibdib nya. "Ang bango mo." I said as I buried my face on her neck.
"Ako pa ba? Lagi naman akong mabango ah.." Sabi nya at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.
Nakaupo lang kami sa buhangin habang magkayakap na nanunuod nang sunset.
"We have to go tomorrow. Ikakasal na ang kuya mo. We need to be there." Sabi nya habang hinahalikan ang buhok ko.
"I know.." Tanging sagot ko sakanya.
"Are you still not.. ready?" Tanong nya kaya napaisip ako.
Ready na nga ba akong umuwi? Hays.
Kung ako lang ay ayoko talagang umuwi. Pero ano nga bang ikinatatakot ko? jeez.. Masaya naman akong nagiikotikot sa ibat-ibang bansa.
Tulad ngayon, nasa Maldives kami. And Cali is always here beside me. Sa pagalis ko ay sumama din sya sakin. Pero umuuwi din sya dahil minsan ay kailangan ang presensya nya sa business nya. Pero pag hindi naman ay bitbit nya ang trabaho para samahan ako.
It's been what? 4years? Apat na taon akong nagpaka layo-layo. Para takbuhan ang lahat.
"I don't know." Tanging sabi ko at muling sumiksik sa leeg nya.
"It's okay. I'm here." She said. Yan ang lagi nyang sinasabi sakin.
Lagi nyang ipinapaalala sakin na sya, Hindi mawawala. Hindi aalis sa tabi ko. And i'm really thankful for that.
"You don't have to promise me forever, Just promise me, na kapag napagod ka na. Na kapag hindi mo na ako mahal.. please tell me." Bulong ko sakanya. Ayoko nang maiwan nang bastabasta nalang.
I know i'm being unfair to her. Mahal na mahal nya ako, buongbuo. At mahal ko din sya. Pero takot akong sumugal. Ayoko nang masaktan.
Dahil nung huling sumugal ako, ako din ang umuwing talunan. May bonus pang sakit.
"You don't have to say that. Never akong mapapagod sayo. I love you, I always does. I can wait even if it's forever." Sabi nya kaya napangiti ako. She's all that I need.
Lumayo ako nang bahagya sakanya. "Let's book a flight then." Sabi ko at ngumiti sakanya. "Nasa tabi naman kita. That's all that I need." Dagdag ko at muling yumakap sakanya.
Natatakot ako pero gusto kong maging matapang. Kahit ngayon lang. Lalo na at kailangan ako ni Kuya. I need to be there.
—
"Couz!" Sigaw ni Ice at patakbong yumakap sakin nang salubungin nya ako sa airport.
"A-ano ba?! H-hindi ako m-makahinga!" Sabi ko at tinapiktapik ang likod nya.
"Jeez! Parang hindi tayo nagkita ah?" Sabi ko sakanya
"Hindi naman talaga!" Reklamo nya sakin
"Nagkita tayo nung pumunta ka sa Tokyo diba?" I said rolling my eyes.
"That was two years ago! You idiot!" Sabi nya at pinitik pa ang noo ko.
"Hey! That hurts! By ohh.." Sumbong ko kay Cali at umangkla sa braso nito. Napairap naman si Ice sakin.
"Ang arte ha? Pabebe much?" Maarteng sabi nito. Kaya natawa lang si Cali samin.
"Ikaw porket ladlad ka na naging brutal ka na ha!" Sabi ko sakanya. Yep, He's now out and proud. Nung una ay hindi matanggap ni Tito, but eventually ay wala na din itong nagawa lalo na at si Ice lang ang tagapagmana nito.
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)