RED COLLINSThree days. Three days ko na syang hindi nakikita. Wala syang paramdam. Dati ay arawaraw syang nangungulit pero ngayon ay kahit anino nya hindi ko mahagilap. Damn it Red! Stop thinking about her!
"Babes?" Nabalik ako sa katinuan nang magsalita si Cali. Ngayon ay papunta na kaming shop. Malapit na itong matapos pero hindi yun ang nasa isip ko. kung di yung bwisit na si Sitara! urgh!
"hmmm?"
"Lately lagi kang tulala. May problema ba?" Nagaalalang tanong nya at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
Tumingin ako sakanya at umiling. I smiled to assure her. This is wrong. Unfair to kay Cali. I need to get rid of Sitara as soon as possible. Pag nagpakita sya ay ako na ang mag guguhit nang linya sa pagitan namin. She needs to stop kung ano man tong ginagawa nya.
Hindi din healthy to sa part ko. She's slowly invading my system kahit sa ayaw o sa gusto ko. Alam kong bibigay ako kalaunan at hindi na mapagtatakpan nang pagtataray ko sakanya ang kung ano mang namumuo dito sa puso ko. And I can't let that happen. I won't let that happen.
Pareho na kaming may sariling buhay. Committed. In a relationship. Madaming masasaktan.
"Hey.." Cali called my attention dahil nawala nanaman ako dahil sa pagiisip. "I'm getting worried here. Kelan lang excited kang pumunta sa shop. Ngayon tulala ka na. Does the business stress you out?"
Mabilis akong umiling dahil sa sinabi nya. "No, Nagiisip lang ako nang mga pweding idagdag na designs." Palusot ko sakanya at ngumiti.
"You sure?"
"Yep. Sorry for making you worry." I'm sorry By.. Nakokonsensya akong naglilihim ako sakanya.
Habang nagaayos ako nang magiging office ko dito sa shop ay may biglang kumatok.
"Pasok." Sabi ko habang pinunasan ang table ko.
"Hi, Didn't you missed me?" Agad akong nag angat nang tingin dahil sa narinig ko.
There she is. Sitara is gorgeously standing there while leaning on the frame of the door.
Hindi ko naiwasang tingnan sya mula ulo hanggang paa para makasigurong sya nga yun at hindi ako namamalikmata.
Nakasuot sya nang high waist nude khaki short and white v neck shirt na naka tucked in and a classic low cut chuck taylor converse. Hindi ko maiwasang mapatingin sa sa dibdib nya dahil ang baba neang neck line nang shirt nya. jeez..
"Liking the view?" Nakangising tanong nya kaya nagiwas ako nang tingin at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko kanina. Pakiramdam ko ay pinamulhan ako nang mukha dahil nahuli nya akong nakatitig sakanya. tsk.
"Ano nanamang ginagawa mo dito? Akala ko nilamon kana nang lupa dahil bigla kang nawala."
"So hinanap mo ko?" rinig ko ang pagsigla nang boses nya at ang paglalakad nya papasok "I knew it. You missed me."
She sat on the sofa na akala mo sakanya. Feel at home ang donya. tsk. Mukha namang okay sya. I got worried for nothing. psh.
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)