RED COLLINS"Thank you everyone for coming. I really hope this place serves as a healing place for you. Every piece of art here is not for sale, but you guys can make your own." Nakangiting sabi ko sa mga tanong pumunta sa opening nang shop.
My family and friends are here. Open sya sa public pero limited lang ang makakapasok. Nagpa raffle ako nang 30 customers na pweding makapasok sa opening.
My parents are proud of my new achievement. Si kuya at Zoe ay nandito din. Same as Sitara and her boyfriend. Hindi ko maiwasang mapaikot nang mata tuwing makikita ko kung paanong lumingkis ang unggoy na yun kay Sitara. tsk. Calm down self. Don't get yourself into trouble.
"Selos much?" Bulong sakin ni Nica na kasalukuyang tumutulong sakin dito sa counter.
Siniko ko sya "Ayusin mo nalang ang pag lagay nang kape dyan. Puro ka dada."
"Sows. Bakit ba kase ginagawa nyong komplikado ang buhay kung pwede namang padaliin?" Naiiling na sabi nya
"Sinasabi mo dyan."
"You guys obviously love each other. Bakit hindi nyo ayusin yan sa lalong madaling panahon? Dahil habang tumatagal? Kayo lang ang mahihirapan at mas may masasaktan." makahulugan nyang sabi bago ngumuso sa gawi ni Cali na masayang nakikipag kwentuhan at nagaasikaso sa mga customers.
I bit my lower lip. Seeing her so happy makes my heart aches. Ayokong burahin ang mga ngiti sa labi nya. I just can't.
Natapos ang nakakapagod na araw. Nakauwi na ang lahat. Kami nalang ni Cali ang natitira sa shop. Tapos na din kasing mag linis ang mga staff ko kaya pinauwi ko na sila.
"Why do you love this painting so much?" Tanong ko kay Cali habang nakatayo kami sa harap nang painting ko, Serein, habang nakasandal ako sa balikat nya at nakayakap sya sa bewang ko at ganun din ako.
She gave this to me kahit na sinabi kong babayaran ko pero tumanggi sya.
"I can feel the emotion here. There's a hope in here. Na okay lang masaktan, the pain will eventually pass. That life needs to have darkness for you to learn. That there will always be a rainbow after the rain." sabi nya bago ako hinalikan sa ulo.
"I told you before right? That if you ever feel unhappy around me, say it. I won't judge you nor get angry with you." Sabi nya kaya inalis ko ang pagkakapatong nang ulo ko at tiningnan sya.
"I told you I love you. And I will understand if you don't feel the same." Patuloy nya kaya kumunot ang noo ko
"Where is this going?" Sabi ko sakanya.
Kumalas sya sa pagkakayakap sa bewang ko bago ako hinarap at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"I can feel it. Matagal ko namang ramdam na hindi tayo pareho nang nararamdaman—"
"I love you." Putol ko sinasabi nya
"Yes. I know. But you love her more." She said and caress my left cheek. Hindi ko maiwasang mamuo ang mga luha sa mata ko.
"I can't loose you." I pleaded. Alam ko na kung saan papunta tong usapan na to.
"You don't want to loose me but you can't see her be with other man." Sabi nya bago binitawan ang pisngi ko "You see, there's a difference in there. You need me, but you want her. You don't want to loose me kase nasanay ka na. Na lagi akong nandito sa tabi mo at magpupunan nang mga pagkukulang nya. Pero sya? hindi mo sya kayang makitang may kasamang iba, kahit sinaktan ka nya. Kahit sinasaktan ka nya. at kahit sasaktan ka palang nya. You can't help but fall for her all over again. Anong laban ko dun?" Pumiyok ang boses nya sa huling salitang binitawan nya. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha nya kaya agad kong hinawakan ang pisngi nya at pinunasan iyon
"Don't cry.. Please don't cry.." Sabi ko sakanya. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko.
"The painting. This painting." Sabi nya bago tumingin sa painting "It's because of her, right? You want this back because this reminds you of her. Dun palang alam ko nang talo ako." Sabi nya at malungkot na tumingin sakin "Hindi mo kayang mawala ang painting na to dahil ayaw mong mawala sya. This resembles to her."
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Maybe she's right. A part of me was still holding on to Sitara all along. Na sana may chance pa. Na sana pwede pa kaming dalawa. Sana.
"Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sirain tong painting na to. Pero hindi ko kayang gawin. Because you love this painting more than I do, at masasaktan ka kapag ginawa ko iyon." I bit mg lower lip. I'm hurting her. Sa simula palang sinasaktan ko na sya but she stayed.
"You moron! I told you wag na ako! Masasaktan ka lang. Tingnan mo, hindi ako aware na sobrang nasasaktan na kita. Or maybe I knew pero hindi ko pinansin. Sabi ko naman sayo tanga ako e, manhid, makasarili." Umiiyak na sabi ko sakanya pagkatapos ko syang hampasin sa braso. "I told you don't get yourself involved with me. But you never listened."
"How can I resist a cute cry baby? I just can't—" Hinampas ko syang muli sa braso. She chuckled. "Wala e, tinamaan ako. Pang pro ata yung pana'ng ginamit ni kupido, sapul na sapul e." Sabi nya sabay turo sa puso nya
"I'm sorry.. I'm so sorry, Cali. Dahil sinaktan kita at sinasaktan nanaman kita. Sorry dahil sa dami nang tao sakin kapa bumagsak. Sa tangang tulad ko." Malungkot na sabi ko bago muling humagulgol.
Niyakap nya ako habang pina-pat ang ulo at likod ko. "Stop crying. tsk. Moment ko to e. Ako dapat yung umiiyak, hindi ikaw. Gahaman mo naman sa chapter-time." Bahagya akong natawa sa sinabi nya at hinampas sya sa braso
"Thank you. For always being there when I needed you. When I needed someone to hold onto. For always making me laugh. Sobrang thankful ako na dumating ka sa buhay ko." Sabi ko bago kumalas sa yakap nya at nagpunas nang luha "I'm setting you free. You don't deserve someone like me. Na puro sakit lang ang binibigay sayo."
"No. I'm letting you go, because you deserve someone who can make you really happy. I can't do that, that's not the job i'm fit for." She said with a smile. "But Always remember that I love you. Kapag sinaktan ka nya, sabihin mo lang sakin at sasabunutan ko sya." Dagdag nya kaya napangiti ako.
Muli ko syang niyakap. I know, at this moment. I'm letting someone worth it go. Alam kong maraming tao ang gustong makahanap nang isang Cali sa buhay nila. Pero eto ako, pinapalaya sya. Ang tanga lang diba.
Pero minsan talaga mapaglaro ang tadhana. Kahit nasa harap mo na ang grasya maghahanap ka pa nang iba, hindi dahil greedy ka. Kundi dahil hindi lang sya ang grasyang para sayo talaga at nararapat sya sa iba.
I know Cali is reserved for someone better. She's the perfect woman who deserves the best and everything in this world.
"Knock Knock." Biglang sabi ni Cali kaya kumalas ako sa yakap.
"I thought this was a heart to heart talk?" Kunotnoong sabi ko. Nagmo-moment kami e, tapos sisingit sya nang ganyan?
Sinamaan nya ako nang tingin nang hindi ako sumakay sa joke nya. Kaya napairap ako bago sumagot nang "Fine. Who's there?"
"Pencil."
"Pencil who?"
"Never mind. It's pointless." Tila pagod na pagod ko syang tiningnan bago umiling-iling.
"I'm so done with you." Sabi ko at iniwan na sya kaya agad syang humabol sakin
"Hey! That one was funny!" Pilit nya sakin kaya napairap nalang ako.
Cali and her corny knock knocks. She can make a book full of it. jeez..
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)