RED COLLINS"Babes." Bulong sakin ni Cali kaya nawala ako sa malalim na pagiisip at tiningnan sya. Bakas sa mukha nya ang pagaalala kaya ngumiti ako.
It's real. She's really here. Akala ko kanina ay namamalikmata lang ako. But nope, nandito talaga sya. Actually nasa harap ko ngayon habang kumakain kami sa isang cottage na may isang mahabang table at dalawang pahabang upuan malapit sa pool.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Parang bumalik kase lahat, naghalohalo na. Hindi ko na ma identify kung ano ba talaga yung nararamdaman ko ngayon. Kaba? sakit? takot? Inis?
Yes, naiinis ako. Naiinis ako sakanya dahil parang wala lang sakanya ang presensya ko pero eto akong si tanga hindi mapakali sa presensya nya. This is unfair and I hate it. I hate myself for being like this.
Nang magsalubong ang mga mata namin kanina ay kumunot lang ang noo nya habang ako ay gulat na gulat. Pagkatapos ay hindi nya na ako tiningnan pa. As if I don't exist.
Great, just great. Ang galing nya lang umarte na parang hindi kami magkakilala. I mentally scoffed at that thought. So she doesn't want to dwell on the past. Ano nga bang inaasahan ko? Ang makonsensya sya? Ang maapektuhan sya? Eh wala namang kami, never naging kami, at never magiging kami. Sakanya nanggaling yun mismo.
Damn it! Stop being pathetic self!
"Bukas pa ang dating nang mga bisita. Pati sila Mama." Sabi ni kuya kaya napatingin ako sakanya.
"Great. Para naman may time tayong maglibot." Nakangiting sabi ko.
"Kumain ka nga nang madami." Nakakunot ang noong baling ko kay Cali dahil ang konti nang laman nang plato nya. Parang bata yung kakain e.
Kumuha ako nang kanin at dinagdagan yung laman nang plato nya. "Ubusin mo yan." Sabi ko sakanya na syang ikina-pout nya.
"Babes naman.. Ang dami oh!" Maktol nya kaya tinaasan ko sya nang isang kilay.
Tamad akong kumain pero mas malala sya. Kaya naman pag kumakain talaga kami ay dinadamihan ko talaga ang kinakain nya.
"Sabi ko nga po. Eto na nga oh. Kakain na." Nakangiwing sabi nya at nagsimulang kumain nang hindi inaalis sakin ang tingin nya dahil pinapanuod ko sya.
"Haha under na under ah.." natatawang sabi ni Kuya "Buti pa ako. Malakas." Mayabang na dagdag nya kaya nakatanggap sya nang taas kilay na tingin mula kay Zoe.
"Sabi ko nga ikaw ang boss e." Tila maamong tupa na sabi ni kuya. Kaya kami naman ang natawa.
"Malakas pala haa.." Pangaasar ko sakanya
"Mga babae talaga, parang laging red tide." Naiiling na sabi ni kuya kaya piningot sya ni Zoe.
"So anong gusto mong iparating Mr. Collins?" Mataray na sabi ni Zoe sakanya.
"Aray! Wala po. Sabi ko lang ang ganda mo pag red tide." Paliwanag ni kuya habang hinihimas ang tenga nya na namumula na nang bitawan ni Zoe.
"Yan. Kayabangan mo kasi. tsk. Zoe sigurado ka ba dyan? May oras pa para umatras." Naiiling na sabi ko kaya sinamaan ako nang tingin ni kuya.
"Nagbababalak na ako." Sagot ni Zoe kaya agad na tumingin sakanya si kuya
"Hon naman! Wag kang makinig dyan. Inggit lang yan." Sabi ni kuya
"At bakit naman ako maiinggit? duh." I said while rolling my eyes.
"Kase hindi mag popropose yang si Cali sayo. Sa panget mong yan, one of these days mauuntog din yang si Cali." Nakangsing sabi ni kuya
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)