RED COLLINSTahimik kong inangat ang braso ni Cali na nakapulupot sa bewang ko. Nakaramdam kasi ako nang uhaw kaya nagising ako.
Eleven pm na nang gabi. Dahandahan akong tumayo at naglakad hanggang sa makalabas ako nang kwarto.
Ang maganda sa resort na ni rent nila kuya ay para syang bahay. Madaming kwarto pero may sariling sala at kusina sa baba. Para syang family vacation house.
Medyo madilim at tanging ilaw lang sa hagdan ang bukas kaya dahandahan akong naglalakad. Baka mahulog ako, mahirap na.
Nang marating ko ang sala ay napansin kong bukas ang ilaw sa kitchen. Mukhang may tao, rinig ko din ang mahihinang bulong. Papasok na sana ako sa kusina nang makilala ko kung kaning boses yun.
"Why can't you just tell me? Who is she?" Rinig ko ang pagkairita sa boses nya.
"It's not my story to tell. And besides, you told me yourself bago mangyare yan na wag ko nang ipaalala pa sya." Sabi nang isa pang boses. Mahina silang nagsasalita na para bang takot silang may makarinig.
"I.. did?" Tila naguguluhan na sabi ni Sitara.
"I'm sorry. Maybe you should just let go of the past. Pero kapag dumating yung pagkakataon na makaalala ka ulit, harapin mo. Don't be a coward this time." Rinig kong sabi ni Zoe.
Naguguluhan ako sa pinaguusapan nila. Alam kong mali ang makinig sa usapan nang may usapan pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Para bang kailangan kong malaman kung ano bang nangyayare. Naguguluhan parin kase ako sa ikinikilos ni Sitara.
Pero base sa sinasabi ni Zoe, makaalala ulit? So wala talaga syang maalala? Holy cow! So she's not pretending?! She really doesn't know me?!
"I don't know. I'm really confused. I feel like I need to remember her. I feel something, but I don't know what it is. This is hell a confusing." Asar na sabi ni Sitara.
"I'm sorry Tara, i'm not much of a help. Let's just rest, okay? Lilipas din yan." Sabi ni Zoe at narinig ko ang mga yabag nila kaya taranta akong nagtago sa sala. Buti nalang at madilim.
Nakita kong umakyat si Zoe pero hindi ko nakita si Sitara. Malamang ay nasa kusina pa sya.
Naglakad ako papunta sa kusina at tama nga ako. Nandun pa sya. Nakaupo habang nakatingin sa tasang nasa harap nya.
"Can't sleep?" Patay malisya kong tanong at naglakad papunta sa ref.
Hindi sya sumagot. Sa halip ay nakasunod lang ang tingin nya sakin hanggang sa matapos akong uminom ay naka masid padin sya.
I raised a brow at her. "What?"
"Nothing." Sabi nya at napailing bago ituon muli ang atensyon sa tasa nya.
"Can I ask you something?" I said bago inilapag ang baso sa lamesa at umupo sa tapat nya.
"Shoot."
"You don't really remember me?" Kunotnoong tanong ko sakanya. Gusto ko lang kumpirmahin na tama ang mga narinig ko kanina.
Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita "I don't." Tipid na sabi nya.
Hindi ko alam pero nainis ako sa narinig ko. May part na naaawa ako dahil baka naaksidente sya or what kaya wala syang maalala pero mas nangibabaw ang inis ko. Inis sakanya dahil nagawa nyang kalimutan nalang ako basta habang ako eto, mas malinaw pa sa sinag nang araw ang memorya.
Naiinis din ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay apektado parin ako. Ganun ko nga siguro sya kamahal na hanggang ngayon may kirot parin sakin tuwing naiisip kong hindi nya ako gusto. Na hindi nya ako magugustuhan. Isang sampal pa nga yata sakin ngayon na wala talagang chance na maging kami dahil nagawa nya akong kalimutan.
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)