RED COLLINS"Hey.. What are you doing?" Napalingon ako kay Sitara mula sa likuran ko.
"Making something to add to the menu." Sabi ko sakanya. I took baking class before. Dahil nga balak kong magtayo nang coffee shop.
"What do I need to do to help?" She said bago yumakap sa bewang ko at ipinatong ang baba nya sa kanang balikat ko
"Uhmm.. Maghugas ka nalang nang mga pinag gamitan ko para may silbi ka." Sabi ko sakanya kaya nag pout sya
I giggle then kissed her cheek na syang ikina ngiti nya "Sige na." Sabi ko sakanya at pilit syang pinapaalis. Natatawa naman syang pumunta sa lababo at naghugas.
Nasa Coffee shop kami dahil bukas na ang opening nito. Balak kong gumawa nang additional dessert para sa menu.
My phone rang kaya naghugas muna ako nang kamay bago kinuha ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Bigla akong kinabahan nang makitang si Cali ang tumatawag.
"H-hello?" I tried to clear my throat dahil nauutal ako
"Hey Babes! Guess what?" Masayang salubong nya sakin
"Uhmm.. You closed a big deal?" Hula ko
"Yep! And i'm coming over sa shop. Let's celebrate!" Nanigas ako dahil sa sinabi nya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig.
"Babes?"
"A-ah.. Yes? sorry, nagbabake kase ako. Malapit ka na ba?" Tarantang sabi ko bago lumingon kay Sitara na nakakunot ang noong nakatingin sakin
"Maybe 10 minutes and i'm there."
"Okay. Take care By. I'll wait for you here." Sabi ko at napalunok nang makita ko ang reaksyon ni Sitara. She's not liking it, obviously.
"Okay. I love you!"
Nagiwas ako nang tingin kay Sitara bago sumagot "I.. Love you." Sagot ko at binaba na ang tawag.
Lumapit ako kay Sitara at yumakap sa bewang nya mula sa likod. "Cali is coming." Sabi ko sakanya
Naghugas sya nang kamay bago umalis sa yakap ko at humarap "I need to go, right?"
Alanganin akong ngumiti sakanya. Malungkot naman syang naglakad papunta sa gamit nya na nakapatong sa lamesa
"We both know this isn't a good idea." Sabi ko habang inaayos nya ang gamit nya "We both know this wrong. Pero anong ginagawa natin?" Pagod na sabi ko.
Alam kong nagtatampo sya. Pero ano ba kase to? Anong meron samin? Naguguluhan na ako.
Bumuntong hininga sya bago ako hinarap "I don't know. Sa totoo lang hindi ko din alam. The only thing that I know is, I want to be with you. Nababaliw ako tuwing hindi kita kasama at iniisip na may iba kang kasama." Frustrated na sabi nya kaya lumapit ako at hinaplos ang pisngi nya
"I don't know. Natatakot ako. Natatakot akong gusto mo lang nang kasagutan dyan sa mga tanong mo pero hindi ako mismo. You just want answers, not me." Malungkot na sabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)