Chapter 3

1K 44 4
                                    


RED COLLINS

"Let's talk." Sabi ko nang makita ko si Sitara sa parking lot. Inabangan ko talaga sya bago pa sya makauwi.

Lagi nalang nya akong iniiwasan. Hindi ko pa sya nakakausap nang maayos. Hinabol ko sya at kinulit pero todo iwas sya sakin. Madalas din syang sunduin nung asungot na Denis kaya hindi ko talaga sya makausap.

"We don't have something to talk about." Sabi nya at nilagpasan lang ako. Pero hinawakan ko sya sa braso.

"Ano bang nangyayare? Pwede bang ipaintindi mo sakin? Kase gulong-gulo na ako!" Sabi ko sakanya. Inalis nya ang pagkakahaw ko sakanya at humarap sakin.

Nakaramdam ako nang kirot sa way nang pagtingin nya sakin. She stared at me coldly na parang hindi nya ako kilala. Na parang wala lang ako sakanya.

"I told you to stop right? Hindi pa ba malinaw yun sayo? Gosh!" Sabi nya at tila inis na inis sakin "Gaano ba kakitid ang utak mo? That means ayoko sayo. I can't give you what you want."

Nasaktan ako sa sinabi nya. So hindi nya lang masabi nang deretso. Naawa lang sya sakin kaya nakipag date sya sakin nung araw na yun. Ang tanga mo talaga self.

"So please lang. Tigilan mo na ako!  Get lost! Walang tayo! Dahil hindi kita mahal, never kitang mamahalin." Sabi nya tsaka tumalikod sakin.

"I was prepared, But it still hurts." Sabi ko dahilan para mapatigil sya sa paglalakad. "This is how I feel: I'm scared of losing you, but then again.. you're not even mine." sabi ko at natawa, tawang hindi ko alam kung dahil hind ako makapaniwalang ang tanga ko o dahil may na realised ako "Oo nga pala, walang tayo." dagdag ko at mapait na ngumiti. Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko.

"I admit, I really like you. In fact, I love you. But I guess it's not worth it." Sabi ko at tumingin sakanya pero hindi sya humaharap sakin. Ang sakit makitang nakatalikod sya, na tinatalikuran nya na ako. Damn it! Who am I kidding? Hindi nya ako tinatalikuran, dahil in the first place naman ay wala lang ako sakanya.

"Don't worry, I'll leave the hell out of you. I'll get lost." Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang paghikbi "Take care of yourself, kahit hindi na para sakin. Hindi na kita guhuluhin. I promise." Sabi ko at iniwan na sya. Sumakay agad ako sa kotse ko at pinaandar ito. Nakita ko pa si Sitara nang sumakay sya sa isang kotse. Sinundo nanaman sya ni Denis.

"Damn it!" Sabi ko at mas binilisan pa ang andar nang sasakyan ko. Sabi ko na e, pampalipas oras lang talaga nya ako.

Maybe naawa lang talaga sya sakin. Lalo na nung nag kwento ako sakanya about my past kaya hindi nya masabi sakin nang deretso na ayaw nya sakin.

I shouldn't have told her about it. Hindi na sana ako nagpumilit. Hindi ko na sana sya kinulit. Hindi na sana ako sumugal. Dahil ang ending ay ako lang din naman ang talunan.

The saddest moment is when the person who gave you the best memories becomes a, memory. And I consider her my best. Damn it!

Nakarating kami sa Palawan ni Cali with Ice and Nica. Si Kyle naman ay susunod nalang daw bukas dahil hihintayin nya pa daw si Havy para sabay sila.

Napangiti ako at nilanghap ang sariwang hangin. Buti nalang at beach wedding ang trip nila kuya.

Inangat ko ang camerang naka sabit sa leeg ko at kinuhanan nang picture ang paligid. Buti nalang at hindi pa masyadong mainit dahil 9am palang naman.

In the End, We all become StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon