RED COLLINSI was hurt by the sudden change with my life. Wala nang Cali na nangungulit sakin. Wala nang good morning and breakfast in bed. Wala nang nag kno-knock knock sakin kahit corny. Gosh I missed her.
Nakakapanibago lang na wala sya sa buhay ko nitong mga nakaraang araw pagkatapos nang naging usapan namin. She said she needed time. And I understand.
Pinagtuunan ko nalang ang business ko at kahit papaano ay nawawala ang mga iniisip ko. Isa pa din kase si Sitara na missing in action. Ang bruha hindi na nagpakita, nakakainis. Ni hindi man lang sya nag tetext.
So just call her! Nope. Not an option, ayokong magmukhang naghahabol sakanya. Lalo na at hindi sigurado kung may sasalo nga ba sakin. Pero shet lang, she's invading my brain at hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang pagpipigil ko na tawagan sya.
"Thinking of me?" Napapitlag ako nang may biglang magsalita mula sa likuran ko
Nandito ako sa office ko at kasalukuyanh nagwawalis para may gawin ako at hindi magisip nang mag isip.
Lumingon ako at nakita ko si Sitara na nakasandal sa haligi nang pinto. Kumunot ang noo ko. Pagkatapos nyang hindi magparamdam nang ilang araw babalik sya na parang walang nangyare? Anong tingin nya sakin?! tss..
Binato ko sya nang unan na nahagip ko sa sofa dahil sa inis ko sakanya.
"Aw! Muntik nako dun ah!" Sabi nya dahil nasalo nya yung unan
"Sana nga tinamaan ka. Tsk." inis na sabi ko at tinalikuran na sya.
I heard her sighed. "Sorry na. I thought you needed time with Cali. And I need to figure out things first." Sabi nya at niyakap ako mula sa likod
Nagbuntong hininga din ako "We.. we broke up." mahinang sabi ko dahilan para mapakalas sya sakin
"You what?"
Hinarap ko sya matapos kong bitawan ang walis na hawak ko "Wala na kami. She broke up with me. She.. Knew.." Sabi ko bago tumingala. Feeling ko kase ay maiiyak nanaman ako tuwing maaalala ko kung paanong umiyak si Cali nung gabing yon.
Kung paano sya nasaktan. Kung paanong paulit-ulit ko syang sinasaktan.
Niyakap naman nya at hinaplos ang buhok ko "Shh.. It's fine. I'm sorry.."
"Sorry for what?" Sabi ko matapos kong humiwalay sa yakap nya. I don't get it. Bakit sya nag sosorry.
"Sorry because I keep on hurting you. Tapos ngayon ako ang dahilan kung bakit nakakasakit ka nang ibang tao. I keep on messing with your life and i'm so sorry for that."
I caress her cheek "No.. Hindi ganun yun. It's just that.. We can't teach our heart to love someone we don't. Hindi natuturuan ang puso." Sabi ko sakanya.
Kinuha nya ang kamay ko pisngi nya bago hinalikan "I know. Kaya nga kahit nabura ka sa alaala ko ay hindi ka makalimutan nang puso ko." sabi nya kaya napangiti ako.
"And guess what? I already ended up things between me and Denis. I can't give him what he wants." Sabi nya na lalong nagpalapad nang ngiti ko "Sinagot ko lang naman talaga sya dahil sya yung nandyan. Kahit pa sinabi ko nang wala syang mapapala sakin ay try ko lang daw subukan. And I did. Pero hindi talaga kami para sa isat-isa."
"I guess we are destined to be together hmmm..?" Sabi ko at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg nya
"Yeah.. I love that. Destiny." She said before claiming my lips.
—
"Stop it. Kapag tayo nabangga, sinasabi ko sayo." Inis na sabi ni Sitara because I keep on kissing her cheek while she's driving.
I giggle "What? I'm not doing anything." Maang-maangan ko bago muling hinalikan ang kanang pisngi nya.
She suddenly stopped the car beside the road. "Fuck it, come here." She said bago ako hinila palapit sakanya at hinalikan.
I smiled and responds to her kisses. For the past few days, lagi kaming magkasama. We always cuddle in my office. Halos doon na nga sya tumira pagkatapos ay ihahatid nya ako pauwi.
I gasped when she pulled me to sit on her lap. I wrapped my arms around her nape. Marahan nya ding kinakagat ang ibabang labi ko.
Our kiss was passionate. Her hand caress my back while the other is on my thigh. Her kisses went to my jaw up to my neck that earn a moan from me.
"Uhmm..."
Her hand travels from my back, Naramdaman ko nalang na minamasahe nya na ang dibdib ko. The temperature becomes hotter, pareho kaming pawisan kahit pa bukas ang aircon. Hinihingal din kami at parehong kinakapos nang hininga nang muling mag tagpo ang mga labi namin.
—
"Are you really sure about this?" Seryosong tanong sakin ni Kyle matapos nya akong hilahin sa gilid.
Nandito kami ngayon sa shop ko. Nandito din si Sitara, Nica and Ice. I told them about me and Sitara.
"I don't know actually." Honest na sagot ko "But i'm happy." I said sincerely na ikinalambot nang expression nya.
"Well then, fine. Susuportahan kita dyan. Kung san ka masaya." Sabi nya bago ako binigyan nang sincere na ngiti "Sana talaga last na to. Because I can't afford to see you in pain, again. Ayoko na." Sabi nya kaya tumango ako
"I know.. thank you.." Sabi ko at niyakap sya.
I'm thankful I have friends like them. Who treats me like family. Na kapag nadapa ako ay tutulungan nila akong tumayo. Kapag umiyak ako ay sila mismo ang magpupunas nang mga luha ko. Kapag may nanakit sakin, sila ang resbak ko. They always have my back.
God gave me these people para hindi ako maging magisa. He made me feel so lucky just by having them in my life. And I do feel very lucky.
Napatingin ako kina Sitara na kausap nila Ice and Nica. Seryoso sila pagkatapos ay nakita ko nalang na ngumiti sila.
Napangiti nadin ako because I know my friends supports us. Kahit anong mangyare. Because all they want is for me to be happy.
At ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong saya. After all these years akala ko okay na ako. Na masaya na ako sa buhay ko.
But then she came back and confused the hell out me, again. For the second time around, I was hoping na sana.. Kami parin.. Kami nalang ulit..
Na kahit nasaktan ako noon ay hindi parin maaalis yung love. Masyado ata akong tinamaan kay Sitara. Na kahit anong gawin nya ay mapapatawad ko parin sya. I'm willing to forgive her, kahit paulit-ulit pa.
I really hope that our Almost Love Story will become present. Hindi na yung muntik na, kundi nangyayare na.
Na sana, kami na talaga.
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)