SITARA SALVA"Hi!" Bati ko habang alanganing naka ngiti sakanila.
I also don't know what I'm doing here. Kung bakit ko sya hinanap. Kung bakit ko sya sinusundan. Isa lang alam ko, I want to know her. Nope— I want to know her, Again. I want to remember her.
Nakita ko ang pagkunot nang noo ni Red. I know she hates me. Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi lang sakin ni Zoe ay may hindi lang kami pagkakaunawaan. Pero sa tingin ko ay may mas malalim na dahilan.
Naisip ko pa nga na baka naging kami pero malabo naman yun. I know i'm straight. right?
"What are you doing here?" Mataray na sabi nya. Sinenyasan nya ang kasama nya na mauna na muna kaya naman ngumiti lang ito sakin bago umalis.
"Tinatanong kita." Sabi ni Red at naglakad na paalis habang may kung anong tinitingnan sa hawak nyang Ipad.
Sumunod naman agad ako sakanya at sinabayan sya sa paglalakad. "Wala lang, I told you before. I want to remember you."
Dumilim ang mukha nya dahil sa sinabi ko at tumigil sa paglalakad bago ako binalingan kaya napaatras ako. Damn it, this is not me. Hindi ako bastabasta na i-intimidate nang kahit sino.
Pero bigla akong napalunok at kinabahan sa paraan nang pagtingin nya sakin. Ramdam ko kasi yung galit sa mga mata nya.
"You don't need to. We both have our own lives, let's keep it that way. Shall we?" Madiing sabi nya bago muling naglakad.
Ilang segundo din akong hindi nakagalaw bago muling sumunod sakanya. Nagpunta sya sa may bar counter na mukhang kakatapos lang gawin. Wood ang pinaka table nito habang white and dark gray naman ang haligi. Tiningnan nya ang pagkakagawa nun at seryosong chineck ang bawat details.
I have to admit, she looks hot when she's serious. Oh shut up. Ano bang iniisip ko. tsk.
"I can't do that. Hindi ka maalis sa isip ko at kailangan kong malaman ang sagot kung bakit. Kung bakit galit ka sakin. Kung ano ba talagang nangyari." Sabi ko sakanya at naghalumbaba sa counter. Ipinatong nya ang Ipad na hawak nya at hinarap ako. Parang nagpipigil sya nang inis.
"Can't you just.. tsk. Stop this nonsense will you? Past is past. jeez.. Let's move on with our lives." Iritado nyang sabi.
"You do what you want. I do mine." I said with a shrug at tinaasan sya nang isang kilay. She can't dominate me. I'm Sitara Salva. No one can.
"Tsk. Dyan ka naman magaling e. Ang gawin kung anong gusto mo." Inis na sabi nya "Fine! Bahala ka sa buhay mo. But don't expect me to ride along with your nonsense drama." Dagdag nya at kinuha ang Ipad nya bago naglakad paalis sa tapat ko.
Wow. Just wow. Sya palang ang nakakapagsalita sakin nang ganyan. Hindi nya ba ako kilala?! I'm Sitara Salva for Pete's sake! That girl. grr
Buong araw akong nakasunod kay Red. At buong araw nya din akong hindi pinapansin. Para lang akong hangin sakanya. How can she treat me like this?! Like I don't fucking exist?!
Umiinit na din talaga ang ulo ko sakanya. Pero kailangan kong kumalma. Baka palayasin nya ako or iwasan at hindi na ako makalapit sakanya.
BINABASA MO ANG
In the End, We all become Stories
Romance(GxG) Every Picture Tells A Story Book Two Highest Rank artist - #18 (033021) photography- #9 (050121) confused - #8 (050121)