CHAPTER 8 - Martyr

2K 71 18
                                    

Mikka’s POV

 

Andito kami ngayon ni Harry sa Condo nya. Matapos yung mga eksena kanina sa Park parang gusto ko na lang ang sumuko. Pero, sabi naman ni Harry… Hindi naman masama ang gumawa ka ng ganun kung mahal mo ang isang tao at mahal ka rin nyaat wag ka munang susuko. Hindi pa huli ang lahat. Hindi nga ako sigurado kung mahal pa ako ni Zeke.

“ Mikka, kilala mo ba si… ano… si… Akii ? “ nagulat ako nun ah! Si bestfriend ba tinutukoy nya? Nasa Canada din kasi yun eh. Alam ko kasing may gusto yun kay Harry simula hayskul pa kami kaso iba yung paaralan nya kaya minsan lang sila nagkikita pagkasama namin sya ni Zeke. At siguro dahil andun narin sya nag-aral sa Canada dahil sinusundan nya ito. At nang pag-alis pa nga ni Harry ay sya ring kanyang pag-alis. Alam nga nun eh na nang dahil sakin kaya napagdesisyunan ni Harry na dun na lang mag-aral sa Canada at alam rin nyang may gusto sakin si Harry.

MInsan naisip ko nga ang swerte ko dahil may gusto si Harry sa’kin pero ang bestfriend ko na may gusto ay syang laging humahabol dito pero opposite feelings sila kung baga one-sided-love ang bestfriend ko. Naaawa nga ako sa kanya e.

“ Oo, bestfriend ko yan, eh! Naalala mo ba nung sweet 16 ko? Andun sya, yung kumanta para sakin? Ang ganda nga ng boses nya eh, pero maganda rin nman sakin… Hehe “

“ Aysus! Sige maganda na ang mga boses nyo. Pero alam mo, Mikka… ano… ah wag nalang! Ayaw ko na lang ang pag-usapan yun. Nakakahiya… “ sabi nya tsaka pumunta sa may kusina para magpatimpla daw ng juice  sa katulong nya. At may katulong pa sya dito sa condo nya ha? Katulong nya talaga ‘to? Ang sexy kasi eh at maganda rin…hindi halatang katulong nya, mukha ngang kaLive-in. Itong si Harry dumadamoves ata. Kawawa nman ang bestfriend ko. Gusto ko nga tong batukan eh! Pero wag muna ngayon XD

Bumalik nman syang may dala ng Juice.

“ Inom ka muna… “ sabi nya.

“ Ikaw Harry ha… dumadamoves ka. May katulong ka tsaka maganda pa! Pano na ang bestfriend ko nito… kawawa nman… “, pagbibiro ko dito.

Parang nagulat naman sya sa sinabi ko.

“ A-alam mo? N-na na may gusto si Akiisha sakin? “  ayyy ang slow naman. Bestfriend nga diba? Malamang nagshe-share ng mga secrets or whatsoever.

“ Oo noh ! Kaya wag kanang mahiyang sabihin ang tungkol sa nangyari nyo dun sa Canada kung meron man. Nagconfess na sya sa’yo? “

Hindi agad sya nakapagsalita.

“ Totoo no? “, tanong ko.

Tumango lang sya at ininom na ang Juice na dala nya kanina.

“ Gusto mo ba sya? “ diretso kong tanong tsaka ininom ang Juice.

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon