Mikka’s POV
Kinakabahan akong lumabas ng kotse namin. This is it! Pag-uusapan na nga yung arrangement.
“ Anak, ok lang sakin kung aatras ka sa kasunduang ‘to “, may pag-alalang bungad ni mama nang paglabas ng kotse namin kasunod nya.
“ Ma...it’s okay. Buo na ang desisyon ko. “, sagot ko dito tsaka pilit na ngumiti. Ngumiti naman ‘to na may halong lungkot.
“ Kung yan ang naging desisyon mo anak wala na akong magagawa. Alam kong ginawa mo ‘to di lang dahil sa kompanya natin, para din sa sarili mo. Sana di mo ‘to pagsisihan. “, bilin nito.
Alam ko namang di pa ako sigurado kung sino sa magkakapatid ang papakasalan ko. Di ko parin maiwasang makaramdam ng nerbyos at kaba kung sakaling hindi yung taong inaasahan kong maikasal sakin ang magiging asawa ko.
Ngayong araw kasi pag-uusapan ang tungkol sa kasunduang kasalan since pinagsabihan ko na si mama tungkol sa desisyon ko’t kinausap na nito si Mr. Valdez na pumapayag na kami kung yun naman ang maglalago nang kompanya namin ngayong hanggat di pa nakikita at naikulong yung mga sangkot sa nakawan. Noong una lagi ko pang tinatanong ang sarili ko kung pano pag hindi si Zeke ang maikakasal sakin? Pano kung si Alex? And i can’t even imagine him as my husband while Zeke as my brother-in-law!
Papasok na kami sa isang magarang restuarant. Napag-usapan daw kasi nila mama at Mr. Valdez na pag-usapan ang kasalan through dinner.
“ Goodevening ma’am! Welcome to Tres Marias! Can i ask if you already reserved a table? “, propesyonal na tanong nung parang staff.
“ Yes we are. Mr. Renie Valdez is expecting us. “, pormal na sagot ni mama.
Bumuntong hininga muna ako nang iginaya kami nung isang staff kung san nakaupo sina Mr. Renie Valdez at ang anak nitong nakatalikod sa gawi namin ni mama habang papalapit. Mas lalo tuloy akong kinabahan nang makita ko kung sino ang kasama ni Mr. Valdez. Yung likod at buhok pa lang nito alam ko kung sino na. Aatras pa ba ako? Pero di ko ata kayang biguin si mama kahit na sabi nya ay pwede pa akong umatras. Gusto ko mang umatras pero nasabi ko na kay mama ang desisyon ko at di ko na mapabago yun. Nang mamataan kami ni Mr. Valdez ay agad itong tumayo para batiin kami.
“ Oh, you’re here Mrs. Flynn “, salubong samin ni Mr. Valdez tsaka nakapagkamay kay mama pati sakin.
“ Take your seat “, anyaya naman nito samin pagkatapos at nabalik na ito sa pag-uupo na ngayo’y katabi si mama habang ako ay katabi ng magiging fiancee ko.
“ You have such a beautiful daughter “, puri ni Mr. Valdez sakin. Nilingon ko ‘to na nakangiti at nginitian din ‘to.
“ Thank you sir “, simpleng sabi ko dito. At ibinalik ulit ang atensyon nito kay mama.
Nilingon ko naman si Alex na katabi ko at binawi agad yung tingin nang nakikita kong ngumiti ito ng nakakaloko.
“ So, you’re the fiancee “, nakatungo ako na sabi nito. Buti na lang at mahina lang yun at hindi gaanong narinig nila mama na ngayo’y parang may pinag-uusapan sila ni Mr. Valdez. Para kasing iba yung pagkakasabi.
“ What a coincidence, isn’t it? Meant to be lang siguro? “, dugtong pa nito na nang-aasar tsaka ngumiti ng nakakaloko.Kung sya man lang ang magiging asawa ko ay di ko alam kung ano ang magiging buhay ko. Di ko akalaing sya ang ipapakasal sakin. Nakalimutan ko atang anak din sya ni Mr. Valdez at kapatid ni Zeke.
Yes, i’m marrying Alex Valdez. The one who cause everything and end my relationship with Zeke.