Mikka's POV
Mabuti't pinayagan na ako ni Mama na pumunta sa University. Almost 3 months na kaya akong di pumapasok. Sayang yung pinaghirapan ko sa first sem pero sabi ni mama ese-settle ko muna daw yung mga papers ko sa school para makabalik na ako sa pag-aaral next sem total sembreak na next week. Tsaka sayang rin yung pagka-consistent ko bilang Dean's Lister simula last year. Second year college palang naman kasi ako sa ngayon pero late na ako ng isang sem. Pinuntahan ko na si Mama sa may kusina pinagluluto nya daw kasi ako ng paborito kong tinolang manok. Bangoo~
" Ma, alis na muna ako. Mamaya na lang ako kakain pagbalik ko. Kailangan ko na talagang tapusin ang papers ko sa school " sabi ko kay mama habang sya'y nagluluto.
" Sige anak, pahatid ka na lang sa driver na 'tin "
" Ma, wag na. Pagpahinga na lang mo muna si manong "
" Sigurado ka? Baka di mo kayanin? Baka--- "
" Ma, i'm okay, always okay! " sabi ko kay mama tsaka ngumiti.
" Oh sya! mag-iingat ka ha "
" Yes ma " hinalikan ko si mama sa may pisngi tsaka umalis.
Walking distance lang naman kasi samin ang University na pinapasukan ko kaya hindi na ako nagpaabalang pahatid ng driver namin. Kahapon lang kasi kami nakarating galing Amerika tapos sa bahay ng lolo't lola ko sa Tagaytay para kamustahin sila at para na rin daw makalanghap ako ng sariwang hangin dun sabi ni Mama kaya kaninang madaling araw na kami talaga nakarating dito sa'min eh sya lang kasi yung driver namin sa ngayon. Kaya hindi na lang ako nag-abala. Malapit lang naman dito ang University.
Agad ko namang pinrocess yung papers ko. In-explain ko naman sa kanila kung anong rason ko ba't ilang months rin akong hindi pumapasok naintindihan naman nila may binigay rin nman kasi akong medical certificate sa kanila. Salamat na rin at di ako gaano natagalan sa pagprocess dahil consistent Dean's Lister nman daw ako kaya pwede na ko makapasok next sem. Lumabas na'ko ng Dean's Office. Tinignan ko kung anong oras na, 5:50PM na pala sigurado akong close na ang front gate ngayon dahil malapit ng magsix kaya sa back gate na lang.
Naglalakad na ako nang may mapansin akong magkapareha na mukhang nagP-PDA. Luminga-linga ako. Wala ngang tao maliban sa'kin. Akala siguro wala ng tao pero nagkakamali sila. tsk.tsk. Sinamantala siguro ang pagkakataon, di man lang makapaghintay.
Niapitan ko sila para pigilan. Hindi kaya tama ang ginagawa nila. Bahala na silang sabihing pakialamera ako. Pasalamat nga sila sa'kin baka may ibang makakita at epa-pulled out sila dito sa University. Pero, ba't parang pamilyar sa'kin yung lalaki?
Dug.Dug.Dug.Dug
Oyy! Heart, stop beating!