“ Oh bro! Manlilibre ka? “, agad na sabi ni Hero sakin pagkadating nito kasama si Chan.
“ Oh? Asan na yung dalawang kulukoy? “, tanong ko dito na hindi pinapansin ang sinabi nito.
“ Wala. Busy daw. Himala nga eh! Pero manglilibre ka talaga? “, usisa parin ni Chan tsaka umupo sa kabilang sofa katabi ni Hero.
“ Puro talaga libre ang nandyan sa kukote nyo! Para naman kayong hindi mayayaman! “, sabi ko sa dalawa at tumungga ng inumin.
Nandito pala kami sa bar. Nang-anyaya lang makipag-inuman sa mga barkada ko. Uminit kasi bigla yung ulo ko sa usapan kanina sa resto. Sya na nga nga ang nagdedesisyon, minamadali pa yung lecheng kasal na yan! Sumang-ayon na nga ako sa kanya na ipakasal sa anak ng isang business partner daw nya dahil bumabagsak na daw yung kompanya ng mga ito at gustong makatulong ang magaling kong ama sa kompanya nila Mikka. Mikka. Ugh. Kelan ba ‘tong babaeng ‘to mawawala sa paningin ko? Gusto ko ng makalimot sa kanya! Yan lang ang gusto ko pero eto naman at ikakasal kami ng dahil lang sa negosyo!
“ Reid, you need to marry the daughter of my business partner. “, salita agad ng magaling kong ama pagpasok ko sa mini office nya na katabi lang ng kwarto nya.
“ WHAT!? “, napapikit naman ito sa biglaang pagsigaw ko. Nakakabigla lang din kasi na ikakasal ako? For what? Business purposes? This is absurb!
“ You need to, Reid. In the future, ikaw din naman ang mamahala nito. Dahil ikaw lang ang nag-iisang anak namin ng mama mo. Ikaw lang ang nag-iisang apo ng lolo Alfred mo. “, tukoy nito sa yumaong mama ko at lolo na ama ni mama.
Kompanya kasi ito sa pamilya ni Mama at pamilya nila Papa. Merge companies parin pero ipinangalan na lamang ito sa apelyido nila Papa since sya ang mamamahala. Arrange Marriage din pala sina Mama at Papa. Pero bago pa daw yan nangyari ay may girlfriend na naiwan si Papa sa America dahil doon ‘to nag-aral. Nang dahil sa kompanya nila ay napauwi ito ng Pilipinas at Arrange Marriage ang nabungaran na di nya matanggihan dahil nagkasakit ang lolo ko nuon na syang namahala pa sa Valdez Holdings at mga ilang buwan nuon pagkatapos ang kasal ni mama at papa ay namatay yung lolo ko. Hanggang sa nakalimutan na nito ang naiwang girlfriend sa Amerika na di man lang nalamang may naiwan din syang anak at yun daw ay si Alex! And now, he’s doing again the Arrange Marriage thing to me!
“ You already know. I don’t want to handle your company! I want to be a professional dancer and a choreographer! “, tanggi ko dito. Wala naman akong alam sa negosyo! Sa pagsasayaw, meron!
Napahilot ito sa sintido.
“ Okay! If that’s what you want, i’ll let your brother Alex handle our company! And you! Bahala ka na kung anong gawin mo sa buhay mo! I will block all your bank accounts at kukunin ko sa’yo ang sasakyan na binili ko pa para sa’yo! At wala kang mana na makukuha! “, seryoso nitong sabi tsaka may i-denial sa telepono.