CHAPTER 9 - Longing

1.8K 69 11
                                    

" Okay ka lang ba babe? " , tanong sakin ni Sam habang naglalakad kami papuntang restaurant na gusto kong puntahan sa ngayon.

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Sam.

Grabe. Hindi pa ako nakakarecover sa nangyari kanina sa Park. Si Mikka. Hindi ko inaaasahang maging ganun sya. Sa totoo lang.. Aisshh. Oo. Namimiss ko sya. Yung anong meron kami nuon, pero sa tingin ko di na mababalik yun nang dahil narin sa kanya. Sinaktan na nya ako at ayaw ko ng maulit pa yun.

Hindi ko rin alam ba't nagawa ko yung kanina para ba saktan sya. Pero tama nman yun sa kanya dahil may boyfriend na sya at ako nmang tumugon sa halik nya't pumatol sa taong may boyfriend na .

" Babe, yan na ba yun? ", lumingon ako kung san nakaturo si Sam. Malapit na pala kaming dumating sa Restaurant na lagi nming pinupuntahan ng mga kaibigan ko lalo na si Harry na di ko alam kung san at ano ng ginagawa ngayon. Simula kasi nung umalis yun, wala na akong kontak sa kanya.

Pumasok na kami ng Restaurant. Umupo kami sa may dulo. 

" Ano sa'yo, babe? " - Sam

" Kung ano rin sayo, yun na rin akin " - ako

" Okay sige. Ako na lang ang mag-oorder " si Sam tsaka sya umalis para mag-order. Napaka-ungentleman ko nman hinayaan ko yung babae ang mag-order. Tss.

 

 

Ako naman? nanunuod lang sa may labas ng Restaurant. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Mikka kasama nya si...Harry? Kailan lang ba bumalik dito sa Pinas si Harry? At papasok sila dito sa Restaurant na'to? No! 

 

 

Bakit? Ikaw ba may-ari Zeke sa Restaurant na'to at hindi mo gustong papasukin sila?

Pssh. Grabeng babae 'to! San ang boyfriend nya? at iba nman ang kasama nya ngayon? Nanloko na nman ba sya, katulad ng ginawa nya sakin? Whatda! 

Tinignan ko lang sila papasok dito sa Restaurant. Malamang andito sila nang dahil na rin gusto ni Harry. Hindi ko namalayang andito na pala si Sam. Kumaway kaway sakin na kaharap ko na pala.

" Ano pala tinitignan mo, Babe? " Kinareer nya talaga ang pagbeBabe sakin.. Tss. Hayaan na lang.

" H-ha? Wala naman " pagsisinungaling ko.

Ibinaling ko na lang yung tingin ko sa ibang direksyon at ibinaling ulit yung tingin kina Harry na ngayo'y nakaupo na malapit lang samin.

Siguro parang naramdaman ni Mikka na may tumitingin sa kanya kaya napalingon sya samin na may pagtataka. Pero mga ilang segundo lang ay ibinalik nya yung tingin nya kay Harry nang may ngiti.

That smile. I miss that. Arrghh! >,< What now i'm thinking??! Tapos na ako sa kanya. Nakakamove-on na ako... >__<

Eh ba't nung kanina sa Park? Ano yun?

 

 


Whaatdaa! Erase that! 

" Babe? Anong meron? Ba't di ka mapakali?? ", pukaw ni Sam sakin.

" H-ha? Wala nman... may iniisip lang.. "

 

 

" Sino? Sya na nman ba? "

 

 

" Ha? Hindi. Tapos na ako sa kanya diba? "

 

 

" I don't think so Zeke... "

 

 

" Sam... ayan na nman tayo.. di ba.. ikaw na ngayon ang mahal ko? "

 

 

" Hindi ako naniniwala. Alam kong sya parin ang mahal mo. Pero Zeke, wag mo nman akong ganituhin. Mahal kita nuon pa mang hindi pa tayo, kaya nga ang bilis kitang sinagot. Pero... pero sa tingin ko... panakip-butas lang ako sa'yo! Dahil mahal mo parin sya! ", sabi nya na may tumulong luha sa mga mata. 

Ano ba nman 'to? Nagdedeliryo na nman ang girlfriend ko. At anong sabi nyang panakip-butas? Buti hindi gaano kalakas ang boses nya at sapat lang na kami ang nakakarinig.

" Sam, ikaw ang mahal ko. Okay? Ikaw na. " 

 

 

" Totoo ba yan? "

 

 


Tumango lang ako bilang sagot tsaka hinawakan yung kamay nya sa mesa at hinalikan ito..

Yung feeling na parang may tumitingin sa'yo o sa inyo mismo at tama nga. Si Mikka at Harry. Pinanuod kami? Nakita nila yun?

 

 

Ano nmang meron sa dun?

 

 

 

Pssh. 

Pero ba't nang tignan ko sya. Si Mikka. I saw sadness and longing in her face? Yun ba talaga ang nakikita ko sa mukha nya?

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon