CHAPTER 5 - No

2K 77 15
                                    

Nagising ako sa---teka!? Hindi ko 'to kwarto ah! Tsaka wait! nasa Ospital ako? Sure ako ospital ito. Naalala ko lang eh buhat-buhat ako ni Harry nun kasi sumasakit yung ulo ko at nahihilo ako. Nakuuuu hindi pwede! Nasan ba kasi si Harry? Baka---baka alam na nya! NOOOO! Hindi pwede! 

Hindi nagtagal narinig ko ang pagpihit ng door knob kaya dali-dali akong umayos sa paghiga at nagpatulog-tulugan. Ewan ko ba ba't hindi na lang ako bumangon talaga! Trip ko lang ata.

Naramdaman kong may umupo sa may tabi ng kama ko. Naamoy ko nman agad ang panlalaking amoy nya at nakakaadik lang. Pamilyar sakin 'to. Ang sarap singhot singhutin na lang hanggang sa maubos yung bango nya. 

" Ang sama mo talaga, Mikka! " sabi ni Harry. Oo si Harry. Akala nyo si Zeke? Akala ko nga din eh pro kay Harry pala yung pamilyar na bango. 

" GUMISING KA NGA MUNA!!! " Nagulat nman ako kasi biglang sumigaw eh kaya napabangon ako agad.

" Ouuchh. F--- " nasambit nya habang himas himas nya ang pwet nya ehhhh nahulog kasi sya sa kama nang dahil sakin kaya ayun sya sa sahig siguro nagulat din. 

" Hala! Harry, sorry  " tatayo na sana ako para tulungan sya. 

" No, nagising pala talga kita. Ako na. Baka mapano ka pa " seryoso nyang sabi. Baka alam na nya! NOOOOO! T_______T

" Mikka, may sakit ka ba? " daritso nyang tanong. Ano'ng isasagot ko? Edi WALA. Alangan nman meron. Pero hindi agad ako nakasagot.

 

" Hoy Mikka Yuri! Tinatanong kita! "

 

" H-ha? Ano. Wala! " sagot ko nman.

" Huwag kang magsinungaling " seryoso pa rin nyang sabi. So no choice. Ayaw ko ng magsinungaling.

SILENCE.

" Mikka, sabi ng doctor " pinutol ko na ang sinabi nya.

" Oo may sakit ako, pero Harry, asthma lang yan tsaka di naman yan cancer! " hindi sya agad nakaimik.

" Kahit na. May namamatay parin nang dahil sa asthma, Mikka. Alam ba'to ni Zeke? " siguro kailangan ko ng sabihin sa kanyang break na talaga kami ni Zeke dahil ayaw ko na talaga ang magsinungaling. 

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon