CHAPTER 33 - Have You Ever

260 16 3
                                    

MIKKA'S POV

Kinakabahan ako habang hinihintay yung part ko. Napagdesisyunan kong sumali sa Student’s Showcase.  Kami ni Akii. Kakatapos lang ni Akii magpresenta at lumabas na muna para bumili daw ng maiinom. Parehas pala kaming kakanta, gumamit lang si Akii ng gitara nya habang ako ay may back-up singers at may nagpapatunog ng instrumento para sakin. Nagrequest lang ako sa kanila. Sila kasi ang tinaguriang Music Club members sa University at pumayag naman sila.

“ Now, let us all welcome! EKSO! From different Colleges for their dance stage performance! “, sabi nung MC. Tinignan ko yung sa  kabila. Yung kung san lalabas yung mga tao pag nagpeperform sa stage. Andun si Zeke at apat pa nyang kaibigan. Ang gagwapo nila sa suot nila! Di ko mapigilang aminin. Akala ko nga hindi sila sasali eh.

  

Naririnig ko naman yung hiyawan ng mga tao nang magsimula na silang sumayaw. Ang galing talaga nila lalo na si Zeke na todo bigay sa pagsasayaw. Hanggang sa matapos na ay di parin nawawala yung hiyawan ng mga estudyanteng nanunuod. Pumalakpak narin ako at di man lang namalayan na dito sila dumaan kung san ako nakatayo. He doesn’t notice me? O sadyang ayaw lang nya akong pansinin?

Nilingon ko ‘to sa may likuran ‘to at pinagsisihan ko kung bakit pa ako lumingon dahil bigla na lamang syang hinalikan ni Sam sa mga labi nito na parang walang tao sa paligid. Sinalubong pala nito? Sakin dapat sya lumapit eh. I'm his fiancee! Ugh. Parang tuloy gusto kong manampal ng tao. Di ba nito alam na ikakasal na yung lalaking nilalandi nya? Di ba pa nga hiwalay na sila? At ito namang lalaking 'to parang nagustuhan pa ang ginawa ng ex-girlfriend! Baka nga hindi pa nya pinapaalam. 

“ Ms. Mikka Yuri Flynn, is she around? “, dun naman ako natauhan sa tanong nung MC na nasa stage. Ako na ata ang susunod kaya dali-dali akong pumuntang stage. Nang natanaw na ako nang MC ay nginitian ko lang ito at sumenyas na handa na ba. Tumango lang ako dito hudyat na handa na ako.

“ Oh Okay~ She’s already here! Let’s all again welcome, Ms. Mikka Yuri Flynn from College of Business Administration for her song number “, nagpalakpakan naman yung mga tao at nang marinig ko na yung pagplay ng instruments ay sinimulan ko ng kumanta. Halo halo naman ang nararamdaman ko ngayon. Di ko naman maiwasang makaramdam ng kaba lalo na at alam kong mapapakinggan nyang kakanta ako.

  

Sometimes it's wrong to walk away

thou you think it's over

Knowing there's so much more to say 

Napapikit akong kumanta. Niraramdam ang bawat lirika ng kanta. Inaalala ang bawat masasayang araw namin ni Zeke. On how we started and end so easily.

Suddenly  the moments gone

and your dreams are upside down

if I could only change the way the world goes round. 

 

Sana mapapakinggan parin nya ang mga paliwanag ko. Pero parang nanatiling bato parin yung puso nya. Di ko nga alam kung ano na ang gagawin ko para mapatawad na nya ako at buksan uli yung puso nya. Alam ko namang ako yung nang-iwan sa kanya pero tama nga bang hinahabol-habol ko parin sya? Na kahit parang ayaw na talaga nya sakin?  

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon