Mikka's POV
" Mikka, okay ka lang ba? "
Napatingin ako sa nagsasalita. Si Harry..
" H-ha? O-kay lang naman ako Harry. Wag mo akong alalahanin "
Nakalimutan kong sya pala kasama ko. Naalala ko kasi yung nakita ko kanina at alam kong nakita rin ni Harry. Pauwi na kami at yun ang rason. Hindi nga namin naubos yung inorder namin dahil agad na tumayo si Harry at inakay ako paalis.
Flashback..
“ Mikka. You’re hurting yourself. Stop staring at them. “
Napalingon ako kay Harry. Nasa mukha nya ang awa. Wait. Mali. Ayokong may naaawa sakin. Hindi ko lang talaga mapigilang tignan sina Zeke at yung pusit girl na kasama nya.
Nilingon ko ulit yung direksyon nina Zeke at Pusit girl.
Tama ba nakikita ko? Totoo ba yun? Hinawakan nya ang kamay ni pusit girl. Okay na sana kung ganun lang pero pero ba’t may kasamang halik?
Nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako palabas.
“ Mikka. Samahan mo muna ako “
“ Wait. Harry. Hindi pa tayo tapos kumain. San ba tayo? ”
“ Malayo sa kanila. “
“ H-Harry… “
“ Mikka… Please… “
End of flashback...
“ Alam kong yung kanina ang nasa isip mo. Mikka, alam kong nsasaktan ka sa nakita mo. “
“ Harry. Please, wag na nating pag-usapan yan…. “
“ Mik---- “
“ At sana Harry hindi magbabago ang isip mong tulungan akong mapamahal sakin ulit si Zeke na dati’y ay akin “
Parang iba yung pagkasabi ko sa kanya. Pero ngiti lang ang sagot nya. Ngiting may halong lungkot.
“ Harry. I’m sorry. H-hindi ko sinasadyang sabihin yun. It’s like--- “
“ I know Mikka. Pero, masama bang tulungan kang ilayo sa ikinasasakit mo? “
“ Harry… ang labo… “
“ Malabo nga Mikka. Di ko alam. Gusto kong tulungan kitang mapalapit ulit kay Zeke pero nasasaktan rin kasi akong makita kang nasasaktan nang dahil sa kanya… Parte ka ng buhay ko, hanggang ngayon “
“ Harry. Di ko rin alam gagawin ko at sasabihin… Pero, sana di magbago isip mo. I really love him. I want him back. At alam kong alam mong baka bilang na lang ang araw ko. “
Nilapitan nya ako at hinawakan sa may braso.
“ Wag mo na ulit babanggitin ang bilang na araw na yan Mikka dahil may pag-asa ka pa. Magtiwala ka lang. May cure pa naman yang Asthma. Alagaan mo lang ang sarili mo wag laging stress. At wag ka ng mag-aalala. Yung sinabi kong tutulungan kita, hindi ko babawiin yun “
Niyakap ko na lang si Harry at naramdaman ko namang hinagod hagod nya yung likod ko.
“ Harry. I don’t really know what to say. I’m just. I’m just thankful na mabait ka pa rin sakin. Really thank you, Harry “
“ Okay na Mikka. Ang OA na natin. Hahaha “
Niluwagan ko na ang pagkayakap ko sa kanya. Baka ano na ang masabi ng mga tao. Napapatingin na kasi samin. XD
“ So, Mikka. Hatid na lang muna kita sa inyo? “
Tumango lang ako bilang sagot tsaka kami sabay papuntang parking area.