Zeke's POV
Dinala ko na sya sa guest room. Dahan dahan ko syang pahigang nilagay sa kama at kinumutan. Napapaungol na nga sya at putlang putla na. Lagi rin nyang binabanggit ang mama nya... Napapahawak na nga sya sa dibdib nya. Siugro sa kalasingan 'to?
Tinawagan ko ulit yung family doctor namin at sabi nitong paparating na daw.
Lumabas muna ako ng guest room para kumuha ng mainit na tubig at tubig na maiinom bka kakailanganin nya.
" Sir Reid. Ako nlng po dyan. Pasensya po sir di ko alam na dumating na pala kayo.. ", sabi nung katulong namin. May gising pa pala. Mabuti naman.
" Sige. Salamat manang. Ok na yun. Paki dala na rin po yan sa guest room... "
Tinignan ko yung relos ko. 11:35 na pala.
Narinig ko naman ang isang ugong ng sasakyan. Yung doktor na siguro.
" Bubuksan ko muna sir... "
" Ako nlng muna manang. Paki dala na lang po yan sa itaas... "
" Sige sir... "
Binuksan ko na yung gate at pinapasok yung family doktor namin.
" Dok, nasa guestroom po sya. Putlang putla... "
Agad naman naming tinungo yung guestroom.
Tsinek naman nya ito agad gamit yung mga dala nya. Pagkatapos ay tumayo ito at kinuha yung salamin sa mata at pinunasan gamit yung dulo ng damit nito tsaka naman ito ibinalik at tumingin sakin ng diretso.
" May sakit ba Girlfriend mo? "
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
" Umm, di ko ho sya girlfriend dok at di ko rin alam na may sakit ba sya... "
" She's sick. Lumalala na ata. I don't know kung tama ang hinala ko. I will just check it bukas sa clinic kung tama ba talaga... "