“ So, you’re the fiancee “, nakatungo ako na sabi nitong may halong ngiting nakakaloko. Buti na lang at mahina lang yun at hindi gaanon naririnig nila mama na ngayo’y parang may pinag-uusapan sila ni Mr. Valdez. Para kasing iba yung pagkakasabi.
“ What a coincidence, isn’t it? “, dugtong pa nito tsaka ngumiti ng nakakaloko.Kung sya man lang ang magiging asawa ko ay di ko alam kung ano ang magiging buhay ko. Di ko akalaing sya ang ipapakasal sakin. Nakalimutan ko atang anak din sya ni Mr. Valdez at kapatid ni Zeke.
Yes, i’m marrying Alex Valdez. The one who cause everything and end my relationship with Zeke.
Narinig kong mahina itong tumawa at di na nagsalita. Mabuti naman.
“ You have a pretty daughter, Mrs. Flynn. At tingin ko’y magkakasundo sila ng anak ko. What’s your name by the way? “, napalingon ako kay Mr. Valdez sa pangalawang pagpuri nya na nakangiti na pala sakin habang si mama ay lumingon na din sakin na pilit ngumiti.
“ Mikka po “, maikli kong sagot dito.
“ Oh your name really fits you and at least you already meet your future--- “, naputol ni Mr. Valdez ang sasabihin nang mapalingon ito sa dumating.
“ Sorry, I’m late “, napalingon din ako sa likuran ko. Parehas kaming nabigla nang magtama ang paningin namin. Nababasa ko sa mata nito na parang naguguluhan na di makapaniwala ito dahil siguro ba’t andito ako.
“ What are you doing here? “, naguguluhang tanong nito. Di ba obvious? Andito ako dahil ikakasal ako sa kapatid nya.
“ Reid, don’t talk like that to your fiancee! “, ngayon naman ay napalingon akong gulat sa sinabi ni Tito na may galit sa mukha.
“ What!? “, di parin makapaniwalang tanong nito. Pati ako nabigla rin sa sinabi ng ama nito. Akala ko...akala ko si Alex yung papakasalan ko?
“ You’re kidding! I don’t want to marry her! “, pagalit na sabi nito na parang ayaw na ayaw nya talaga akong pakasalan.
“ No! Sa ayaw at gusto mo! Ikakasal ka’yo “, matigas na sabi ni Mr. Valdez.
“ But--- “, angal parin nito pero di na natapos.
“ Take your seat first. We’ll talk about it. Can’t you see? Her mother is here. Show some respect “, ma awtoridad na sabi nito.
Tinignan nito ang ama saglit at umupo na katabi ko. Para pa nga itong nag-alinlangan kung uupo ba sa tabi ko. May nilingon yung ama nitong staff at lumapit naman ‘to.
“ Let’s take our order first “, sabi agad ni Mr. Valdez nang makalapit yung staff ng tinaguriang well-known restaurant na ito.