CHAPTER 6 - Hurt

2K 74 12
                                    

Nakalabas naman ako ng ospital. Grabe nga ang pag-alala ni Mama kasi akala nya kung napano na ako. Hinatid naman ako ni Harry, syempre pero umalis lang nman sya agad may gagawin pa daw kasi sya. Sinabihan ko narin si Mama tungkol sa pinag-usapan nina Harry at nung doctor kanina.

“ Anak, magpahinga ka na… “ sabi ni mama tsaka ako hinalikan sa may noo ko.

“ Sige ma akyat na ako… “ nakita ko ang mukha ni mama sobra nga talaga syang nag-alala. Buti nman kumain na kami ni Harry sa labas kanina paglabas ng ospital kaya naglinis na ako ng katawan, nagbihis at naghanda na sa pagtulog. Tinignan ko yung orasan sa side table ko. 2 AM na pala? Okay lang kasi sembreak nman walang pasok bukas. Agad nman akong humiga sa kama at di nagtagal dinalaw na ako ng antok.

Pagkabukas umalis ako ng bahay para maglakwatsa. Pinayagan nman ako ni Mama. Dala ko nman yung temporary reliever ko para incase na aatakihin na naman ako. Mahirap na!

Pumunta ako ng park, dito kasi kami laging pumupunta ni Zeke nun. Nakakamiss lang at speaking of him.  Andito pala sya at hindi nag-iisa. Ayun! Kasama nya pala ang pusit girl sa may gilid naglalandian. Ang eww lang di bagay! Kung kami yan? Nakuuu marami ng tumitingin samin eh dahil nga sa sobrang sweet at ang bagay bagay namin.  HAHA. Bitter na kung bitter. Baka mamamatay na ako, tas hindi ko pa makakasama yung taong gusto ko sa huli? Pero, ayaw kong mamatay no? Ang pangit lang na bida dito eh mamamatay ayaw kong mag-ala Juliet no? Pssh.

May nabuo akong plano.  Mage-explain ako ulit sa kanya. Try ko. Eto nman tlga ang misyon ko ngayon diba? Ang kunin pabalik ang boyfriend ko este ex na pala. Lumapit nman ako sa kanila.

“ Zeke…? “ hindi sya umimik. Katabi nya kasi si Pusit Girl. Naglalandian.

“ Hoy… Zeke… kausapin mo nman ako, oh! “ hindi parin umimik naglalandian parin ang dalwa.

“ Babe, sobrang hangin dito! Alis tayo? Tarang mag-mall! “ yaya nya kay pusit. Hala! Grabe lang. Nagbubulagbulagan?

“ Okay… babe “ maarteng sagot nman ng pusitttt saka sila tumayo. Sana pusit na lang tong babaeng mang-aagaw na’to forever! Nakakainis lang! Nagseselos ka hindi naiinis, aminin~ Oo na! Intribidang utak na’to! 

“ Hoyyy Zeke “ ngayon magkatapat na kami. Hinarangan ko sila.

“ Zeke.. please… listen… alam kong mahal mo pa ako pero nagagalit ka lang at pinapairal mo lang yung pride mo. Makinig ka nman… please… “

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon