CHAPTER 27 - Decision

318 15 1
                                    

 

“ Bes! “, tawag ko dito nang nasa baba na ito. Dali dali naman akong pumuntang baba para maabutan ‘to.

Nang maabutan ko ‘to ay agad ko ‘tong niyakap.

“ He really doesn’t love me. He does not! “, agad na sabi nito habang iyak ng iyak. Umaalog na din yun balikat nito.

“ I’m tired, Mikka. Ginagawa ko na ang lahat pero di parin nya ako magawang mahalin. “, parang batang sumbong nito habang naiiyak parin. Para naman akong natamaan sa sinabi nya. Para kasing parehas kami ng sitwasyon ngayon. Naisip ko tuloy kung bakit ang unfair! Kung bakit pagdating sa pag-ibig minsan ang unfair! Ginagawa mo na nga lahat-lahat pero di parin magawang makuha nang taong gusto mo ang pinapahiwatig at pinapakita mo sa kanila. Mahal mo nga pero may mahal din namang iba. Totoong nakakaramdam nga tayo ng saya pagdating sa pag-ibig pero di rin naman natin maiwasan ang hindi masaktan.

“ Shhhh “, pagpapatahan ko dito.

“ Mikka---A-Akii... “, napalingon naman ako sa nagsalita. Si Harry. Tinignan ko si Akii na agad na pinunasan yung pisnging luhaan. Di nito matignan si Harry. Medyo humikbi parin ito pero parang pinipigilan lang.

“ Harry, can we talk? “, anyaya ko dito na nakatayo sa di kalayuan namin ni Akii.

Nilingon ko si Akii na nakatungo parin habang mahinang humihikbi.

“ Mag-uusap na muna kami, bes. “, tinapik ko ang balikat nito tsaka pumuntang may garden namin. Naramdaman ko namang sumunod si Harry sakin.

Nang magkaharap na kami di ko parin magawang magsalita. Di ko alam kung anong uunahin.

“Mikka, about--- “, di ko na ito pinatapos at sinabi ko na agad dito kung ano yung napagdesisyunan ko.

“ I’m sorry, Harry. I...i can’t give you the chance you’re asking for me. “, tinignan ko ‘to. Nakikita ko sa mata nito na nasasaktan ito. Harry, please nasasaktan din akong nakikita kang ganyan pero kailangan ko talaga ‘tong gawin dahil tingin ko’y ito ang nararapat.

“ I’m sorry. Di ko kasi kayang makitang nasasaktan ang kaibigan ko, Harry. Ayoko ding gawin kang panakip-butas. Ayokong paasahin ka, Harry. Alam kong ang dami mo nang nagagawang mabuti sakin at utang na loob ko yun sa’yo. Pero ayoko sa paraang pagbibigyan kita ng pagkakataon dahil may nasasaktan. Sana maintindihan mo. Pareho ko kayong kaibigan. Let’s just...let’s just be friends, Harry. Alam kong dadating ang panahon na mawawala din yang kung anong nararamdaman mo sakin. You deserve someone better who will really love you more than you love her. Ayokong gamitin ka para makalimutan ko si Zeke. “, mahabang paliwanag ko na di ko namalayang napaluha na pala ako.  Nasasaktan din naman kasi ako. Nasasaktan akong nakikitang nasasaktan at nahihirapan ang dalawang taong naging karamay ko sa mga problema ko. Ang dalawang taong naging parte na ng buhay ko.

Magsasalita na sana ‘to nang may marinig kaming sigaw sa loob na nagpalingon samin kung san galing yun.

“ Ma’am Mikka! Yung kaibigan nyo po! “, natatarantang sabi ni Aling Neneng. Yung katulong namin. 

Agad naman kaming lumapit dito.

“ A-ano pong nangyari manang? “, natatarantang kinakabahan kong tanong dito.

“ Y-yung kaibigan nyong--- “, di na natuloy ni manang yung sasabihin nang mapansin naming dali daling umalis si Harry.

“ S-sige manang... “, nasabi ko na lang dito tsaka sinundan si Harry.

Pagkalabas ko nang bahay ay nakita kong maraming tao ang nakaisyuso sa may unahan.

“ Tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan nyo! “, agad naman akong lumapit sa kumpulan ng mga tao nang marinig ko yung boses ni Harry na sumisigaw sa mga tao.

“ Ano ba! Titingin lang ba ka’yo? “, pagkalapit ko ay nakita kong akay na ni Harry si Akii na duguan at walang malay. Nasa mukha naman ni Harry ang galit dahil siguro wala man lang agad sumaklolo o tumawag ng ambulansya.

Natutop ko ang bibig ko sa nakita. Napaluha narin ako. Gusto kong lumapit pa sa kanila pero nanatiling nakapako ang paa ko sa kung san ako nakatayo hanggang di nagtagal ay may dumating na na ambulansya at agad na inilagay si Akii sa isang stretcher at ipinasok sa loob. Nang mamataan ako ni Harry ay dun naman ako natauhan at lumapit sa kanila.

“ Harry! Sasama ako! “, di ko na ‘to hinintay na sumagot at dali dali ng pumasok sa loob ng ambulansya kasunod nito.

***

“ Kasalanan ko ‘to ba’t nangyari ‘to “, napalingon naman ako kay Harry na nasa tabi kong nakaupo na sapo ang noo habang nakapatong yung siko sa may tuhod nito.

Lumapit ako dito at nagdadalawa pa kong hahagurin yung likod nito para pagaanan ang loob na sa huli ay nagawa ko.

Kanina ay iyak na iyak pa ako pero ngayon parang naubos na ata ang luha ko sa kakaiyak. Kasalukuyan kasing inooperahan agad yung lungs ni Akii na nabugbog sa aksidente dahil baka kung lala ito ay mas lalo itong mahihirapang huminga. Nang lumabas kasi kanina yung doktor ay agad kaming pinapili kung ngayon na ba daw ooperahan o hihintayin pa ang desisyun ng mga magulang ni Akii pero hanggang ngayon kasi di ko pa makontak sila Tito at Tita kaya napagdesisyunan namin ni Harry na i-grab na yung operation.

“ Magiging okay din si Akii, Harry wag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gustong mangyari ‘to “, pagpapanatag ng loob ko dito habang hinahagod-hagod yung likod.

Magsasalita na sana ‘to ng mag-ring yung phone ko. Tinignan ko yung caller at agad itong sinagot nang mabasang si Mama ‘to.

“ Yes, ma? “, sagot ko sa kabilang linya.

 

“ Anak, may problema tayo “, bigla naman akong kinabahan sa bungad ni mama.

“ It’s about our company “, patuloy nito. Base sa boses nito ay nakikita kong malaking problema ito.

“ What about it, ma? “, nanlumo naman ako sa sinabi ni mama.

His Downfall (His Series #2) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon