Dedicated to one of BHM readers! @sungri_sonesforever. Thankyou! :)
Mikka’s POV
“ You okay? “, napalingon ako sa nagsalita. Kasalukuyan akong nanunuod ng palabas sa telebisyon dito sa kwarto ko. Napangiti naman ako nang makita kong si Harry ‘to may dala-dalang bulaklak tsaka mga prutas. Inilapag nya ito’t inayos sa may bed side table ko.
“ Okay na okay “, sagot ko dito sabay ngiti. Pinagmasdan ko lang sya habang inaayos nya yung dala nya sa may bed side table ko. Kahit talaga okay na okay na ang kalagayan ko ngayon di parin sya tumitigil sa pagdala sakin ng mga prutas pati bulaklak. Minsan nga’y pinagsabihan ko na tama na ang pagdadala nang ano ano ayaw parin magpaawat. Hayaan ko lang daw sya dahil gusto nya akong pagsilbihan hanggang sa nakikita na daw nya sakin na magaling na magaling na talaga ako.
Ganito na talaga kami ni Harry simula nung tinulungan nya ako nung una naming pagkikita na kakarating lang nya galing Canada nun. Sa tingin ko ngay parang nagiging pabigat na ako kay Harry tulad na lamang ngayon. Komportable na kami sa isa’t isa di ko lang alam kung okay na ba sila ni Akii. Hopefully naman magiging okay na sila.
Nagrequest na lang pala akong sa bahay na lamang ako magpapahinga nung magising ako na nasa ospital na naman ako. Para kasing gusto ko eh dito na lang samin kesa sa ospital. Nakakasawa na din dun. Kinausap naman ni mama yung doktor ko at pwede naman daw akong umuwi di lang daw talaga ako sobrang magpapagod.
“ By the way, ngayong darating na linggo ayaw mo bang sumali sa isang event sa University? Student’s Showcase daw. O kaya wag na lang? baka mapapagod ka lang sa kakapraktis “, umupo naman ‘to sa may sofa ng kwarto ko at ipinagsalikop yung paa. Minsan din nakakalito din ‘tong lalaking ‘to. Nag-iinvite pa! Binabawi din naman.
“ Hmm, titignan ko. Gusto ko kaya. Hmp. How about Akii? Natanong mo ba? “, di naman ‘to agad nakapagsalita. Parang may malalim na iniisip ‘to.
“ Hmm? “, usisa ko pa dito.
“ I don’t know. Bakit ko naman tatanungin yun? “, parang naiinis na sabi nito. Ha? Akala ko talaga okay na sila eh. Akala ko nakapag-usap na sila at naaayos na yung kung anong di pagkakaintinidhan nila. Parang ako kasi ang naiilang sa kanila pag minsang magkasabay kaming tatlo sa University.
“ Wala lang. Baka alam mo o di kaya inimbita mo rin o sya nag-imbita sayo “, mapagbiro kong sabi dito tsaka nilaro-laro yung ulo ng malaki kong teddy bear sa tabi.
“ Mikka “, yang klaseng pagtawag na yan alam kong pinapatigil na nya ako. Tumawa lang ako ng mahina.
“ Stop it, Mikka. I don’t like it when you’re laughing like that “, seryoso nitong sabi sakin. Nilingon ko ‘to at seryoso nga sya. Nakasalikop na din yung braso nya habang pinagmasdan ako.
“ Bakit? Masama na bang tumawa? Di ba yan naman gusto mo di ba? Yung Mikka na masiglahin, masayahin “, nangingiti ko paring sabi dito.