Chapter 1

1.6K 59 5
                                    

a/n: UNEDITED HAPPY READING GOD BLESS US ALL! DOUBLE UPDATE KASI BUSY NA NAMAN AKO NEXT WEEK HAHAHA PLEASE BEAR WITH ME.

JOHN 3:30 HE MUST INCREASE BUT I MUST DECREASE.

Chapter 1

"ATE NIA baka makalimutan mo ngayon ang meeting mo kay Doctor Walcox" si Marina ang kasambahay nagkasama ko sa pa-nganagalaga sa aking dalawang anak.

"Salamat Marina pina-alaala mo muntik ko nan gang makalimutan buti na lang, kamusta ang mga bata dyan?"

"okay naman po sila Ate kumain na po kami nanonood pong TV si Levin tapos si Lia naman po nasa tabi ng kuya niya pinagpapa-pratisan yung braille Ate"

Parang nilalamutak ang puso ko sa sakit kung mas maaga sana akong naging matibay no'n hindi sana mangyayari ito ngayon sa mga anak ko.

"Miss! Miss! Gising!" isang nurse ang bumungad sa akin ng imulat ko ang pagod na mga mata.

"na-nasaan ako" tanong ko habang pinipilit na bumangon mula sa pagkakahiga

"nandito ka sa Ospital Miss, dinala ka ng babaeng nagmagandang loob na nakakita sayo naka handusay ka kasi sa kalsada hinanap namin sa bag mo kung may i.d ka wala kaming nakita kaya wala rin kaming taong pwedeng macontact. Bagong salta ka ba dito" pagiinterview sa akin ng nurse pero ang isip ko ay ukopado kung bakit ako nandito.

"ma-may sakit po ba ako?"

"wala kang sakit Miss tirik na tirik kasi ang araw alam mong buntis ka bakit di ka man lang nag dala ng payong o di kaya sumilong ka muna sana nasaan ba ang asawa mo at pinababayaan kang umalis na hindi siya kasama"

"b-buntis po ako?"

Kumunot noo naman ito "bakit hindi mo ba alam?oo nga pala ilang taon ka na pala at ng malagay ko sa medical record mo"

"ah- 19 na po" pagsisnungaling ko.

"o sige maiwan muna kita"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Buntis ako nagbunga yung--- kailangan niya itong malaman magiging tatay na siya... nabalot ang puso ko ng matinding takot bata ako at lumaking ulila tanging Tiyuhin at Tiyahin mga magulang ni Ate Pam ang tumayong magulang ko. anong gagawin ko ngayon? Pano kobubuhayin ang batang ito? pinalayas ako wala na akong bahay na uuwian..

Sa kadahilanang wala akong taong pwedeng matakbuhan natuto ako magbanat ng buto nag-apply akong crew sa isang fastfood chain pero dahil nga 16 pa lang ako hindi ako natanggap bumagsak ako ngayon bilang taga hugas sa isang karinderia, sumasideline din akong mag benta ng frozen foods, tuwing week end naman umeekstra akong labandera, plantsadora minsan sa municipyo street sweepers naman kung saan lang ako madatnan ng trabaho dun lang din ako natutulog at madalas non sa kalye ang bagsak ko o di kaya sa mga pampublikong pasyalan katulad ng luneta park hindi ko naalagaan ang sarili ko no'n na nasa isip ko lang kailangan kong kumayod kasi para sa anak ko yung tipong hindi ako nakakapag papagcheck-up ng buntis ako kaya naman ng manganak ako hindi ko akalaang kambal pala ang dinadala ko yun nga lang dahil wala naman akong pera no'n walang nag-aalaga sa akin napabayaan ko ang sarili ko wala akong vitamins prutas o gulay o gatas na iniinom kaya ganito ang nangyari sa kambal kong anak si Levine ang panganay kong lalaki may sakit siya sa puso may butas ang puso niya ang anak ko namang babae na si Lia ang bunso pinanganak ko siyang bulag. Pero kahit ganoon ang nangyari sa akin hinding hindi ko sinisi ang Panginoon sa mga nangyari sa buhay ko pagsubok lang ito kaya ko at kakayanin ko dahil hindi ako pwedeng sumuko para sa mga anak ko.

Nang makapanganak ako may naipon akong pera at iyon ang pinangrenta ko ng bahay sakto naman nong naghahanap ng janitress ang eskwelahan sa lugar na iyon. Lumuhod ako at nagmakaawa sa principal na ako na lang ang kunin pumayag naman siya, kasa-kasama ko ang mga anak habang nag-tatrabaho ako siguro naawa din ang ilang guro doon na habang naglilinis ako ng buong paligid ng paaralan hihiramin muna nila ito at aalagaan lalong-lalo na si Miss Jem ang canteen teacher na palagi akong pinapautang at tinutulungan lalo na sa gastusin ko sa kambal palagi kasing naitatakbo sa hospital si Levin dahil nga sa sakit niya.

His Own Property Mini Series (6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon