Umuuga Ang Kama 2

27.2K 118 7
                                    

Chapter 2

Madaling araw pa lang ay tumayo na si Arianne para mamalengke. Wala pang pagkain o anumang pwedeng iluto na laman ang ref nila. Kinumutan niyang maige ang nobyo habang hubad niyang tinungo ang banyo para magpalamig. Ramdam pa rin niya ang sensasyong bumabalot sa kanyang katawan. Mapapawow ka na lang sa alindog niya na kahit kadiliman ay paliliwanagin ng maputi at makinis niyang balat. Talo pa niya ang bote ng softdrinks sa kurba sa katawan. Swerte ang lalakeng kanyang paliligayahin at si Anjo iyon.

Dahan-dahang tumulo ang tubig mula sa shower at tinantya niya ang lamig nito para sa kanyang katawan. Ang pagdikit ng malamig na tubig sa kanyang balat ay matatalo ang init ng kanyang damdamin pero ang takot na kagabi niyang naramdaman ay hindi niya maitatago. Kahit nakasindi ang ilaw ng banyo ay parang madilim sa kanyang paligid sa katahimikan na tanging lagslas lang ng tubig ang iyon maririnig.

Alam niyang isang sigaw lang niya ay mapapasok na siya ni Anjo sa banyo dahil hindi niya inilock iyon dahil masyado na siyang paranoid sa isang dampi lamang ng nakaraang gabi. Naging praning rin siya sa bawat tunog, galasgas at 'di inaasahang galaw ng mga bagay sa paligid niya kaya pinili niyang magtapis na ng twalya at iwanan ang takot sa pag-iisa sa banyo. Pati tilaok ng manok ay ikinagulat na niya kahit hindi naman siya madalas uminom ng kape. Sana nama'y hindi siya na-trauma sa naranasan ng nakaraang gabi.

Madilim ang kwarto nila dahil hindi na rin niya sinindi ang ilaw, baka magising ang pagod at nakangiting nobyo. At kahit madalas gamitin ang linyang ito sa bawat nobela, tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng gabi galing sa nakabukas na bintana. Samahan mo pa ng puting kurtina na akala mo'y gagawa ng imahe kapag nalukot ng ihip ng hangin. Simpleng tshirt at palda ang kanyang sinuot dahil syempre mamamalengke lang siya.

Sino ba ang hindi titingin sa salamin upang tignan ang ayos ng sarili pagkatapos magbihis? Noong una, natakot pa siyang tumingin rito dahil alam niya na madalas makakita ng mga hindi magandang imahe o pangitain gamit ang salamin pero dahil unti-unti at dahan-dahan siyang tumingin dito ay parang wala naman siyang nakitang hindi inaasahan.

"Ok." sabi niya pagkatapos ng isang buntong hininga at lumayo na sa salamin. Aakalain mo bang may matang nakatingin sa kanya mula sa ilalim ng kama? Kung dumako lang ang tingin niya sa ilalim ng kama ay makikita niya ang mga matang nakatingin sa kanya pero ano nga ba ang rason mo para tumingin sa ilalim ng kama kung ang pakay mo lang ay tignan ang sarili?

"Manang pabili nga po nitong pitso ng manok, saka paki chop na rin ang hita." pagsabay ni Arianne sa ingay ng mga tao sa palengke. Ang aga aga buhay na buhay agad ang energy ng mga tao rito.

"Ang ganda mo naman iha. Bago ka lang yata rito?" sabi nito habang sa mukha ni Arianne nakatingin at winawasiwas ang kanyang itak sa kawawang manok. Napapapikit na lang si Arianne kapag pupukpok ito dahil baka daliri na nito ang kanyang maputol kung sakali.

"Bagong lipat lang ho kami ng mapapangasawa ko." pagsagot naman ni Arianne.

"Aba'y maganda ang taon na ito para magpasakal este pakasal." pagbibiro ng tindera.

"Salamat po, sa susunod na dalawang buwan pa ho dyan sa lumang simbahan ng San Agustin." sabi niya sabay abot ng kanyang bayad.

Isang malakas na bagsak naman ang ginawa ng tindera upang bumaon ang itak sa chopping board at kinuha ang bayad ni Arianne. "Bigyan kita ng discount, para sa akin ka lagi bumili ha?" sabi nito at sinuklian si Arianne.

Napatango lang si Arianne at ngumiti. "Sige ho. Siya nga po pala, lumindol ho ba kagabi?" bigla niyang tanong, mukhang mabait naman ang ale kaya gisto pa niyang makipagkwentuhan tutal ay huli na niya ng bilihin ito.

"Hindi naman suki. 'Di ba?" pang-iistorbo pa nito sa katabing tindera na muntik pang maisaksak ang kutsilyong hawak.

"Tokneneng naman, gusto mo na talaga akong mamatay no?" sagot nito.

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon