Umuuga Ang Kama 3

18.5K 91 3
                                    

Chapter 3

"Male-late ka na." sabi ni Arianne matapos tumayo at lumunok ng kanyang laway.

"Kain na tayo." pilyong ngiti ni Anjo.

"Uwi ka ng maaga." sabi niya sabay kindat.

"Sino ba ang hindi uuwi ng maaga niyan?" sagot naman ni Anjo.

Hinarap na ni Anjo ang pagkain habang si Arianne naman ay nagtoothbrush muna. Bitin na bitin si Arianne pero alam niya na marami silang oras ng nobyo at hindi niya kailangang magmadali. At isa pa, ayaw rin niyang maiwang mag-isa sa bahay nila lalo pa't inaabot ng gabi si Anjo sa trabaho kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makasama lagi ang nobyo sa mga panahon baka kailangan siya nito. Ang babae talaga, ang bagsik ng instinct.

"Hindi ba nasunog?" tanong ni Arianne. Tinutukoy niya ay ang meat loaf na naging saksi ng ginawa nila kanina.

"Hindi naman. Sakto nga ang pagkakaluto, medyo malutong ang gusto ko kasi."

"Halata nga eh. Nakarami ka na oh."

"I have too eat much para mabawi ang lakas ko." biro naman nito.

"Hehe. Ikaw talaga." sabi ni Arianne at sinaluhan ang nobyo sa pagkain. "Sana ganito tayo sa mga susunod pang araw no?"

"I'll try honey. Every relationship goes through storms called trials and problems, we need to pass through these as one." makahulugang sabi ni Anjo. He alaways make Arianne's heartbeat faster.

"Sure. Naging isa na nga tayo 'di ba?" pilyang sagot naman nito habang sumusubo ng kanyang pagkain. Alam na!

"I'll be late." sabi nito pagtingin sa relo. Dali-dali siyang tumayo at humalik sa labi ng nobya. "Take care." Nakangiti niyang iniwan si Arianne at umaasang may magandang regalo siya mamaya pag-uwi.

>

Walang ginawa buong araw si Arianne kundi mag-ayos ng bahay at maglinis. Gawain ng isang ulirang housewife. Madilim na ang gabi at wala pa si Anjo. Ipinagluto niya ito ng paborito nitong Chicken Adobo at sinubukang gumawa ng kaparehong lasa ng isang Cappuccino. Handa na ang mesa pero wala pa rin ang nobyo. Lalo pang kinabahan si Arianne nang umihip ang hangin galing sa bintana. Kita ang aninag ng buwan dito dahil patay ang ilaw, kusina lamang ang maliwanag para maging romantic para kay Arianne ang pangalawang gabi nilang magkasama. Napakalamig ng ihip na iyon na parang nanunuot sa kanyang balat mula ulo hanggang hmm.. paa. Kinilabutan siya at tumayo ang balahiba. Parang praning na siya ngayon at lahat ng bagay na may repleksyon ng liwanag ay tinitignan niya at inaakalang ibang tao ito.

Kinabahan muli si Arianne nang gumalaw ang doorknob sa pinto. Parang pinipilit buksan ito. "Hon, ikaw ba yan?" sigaw ni Arianne para mabawas ang kaba at umaasang si Anjo nga ito.

Ilang segundong naghintay ng sagot si Arianne pero wala. Gumagalaw pa rin ang knob pero dahan-dahan na lang di gaya ng kanina. "Jo, ikaw ba yan?" sabi niyang muli at napagpasyahan niyang pagbuksan ito.

Humugot siya ng malalim na hininga at binuksan ang knob. Humarap sa kanya si Anjo na nakangiti. "Wow. Akala ko masusurprise kita. Ang lakas ng pakiramdam mo hon." pagkasabi nito ay dinampian niya ng halik ang nobya sa labi at pumasok na sila.

"Kanina ka pa ba?" sabi ni Arianne habang inaayos ang hinubad na polo ni Anjo.

"Hmm... Mga 1 minute pa lang ako noong sinubukan ko kung bukas ang pinto." sagot niya.

Napaisip si Arianne dahil nasa 3-5 minutes ng gumagalaw ng doorknob. Kahit nagtataka ay ikinibit-balikat lang niya ito. "Kain na hon." sabi niya na puno ng ngiti. Bakas sa dalawang ito ang pagmamahalan sa isa't-isa, kasiyahan at kakuntentuhan sa buhay nila ngayong magkasama sila.

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon